Chapter 53

43.4K 2.2K 452
                                    

Grieve




Marahas akong umiling dahil sa sinabi ni Hugo.

"Hindi. Hihingi ako ng tulong," sabi ko sa kanya.

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niyang umalis pa ako. Pero hindi ako papayag, kailangang madala kaagad ni Hugo sa hospital.

"Mahal kita, Ahtisia...mahal kita," sabi niya sa akin.

May kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Ayokong lumayo sa'yo noon pero sobra akong na-guilty. Hindi ko inakala na mawawala si Hermes. Hindi ko din gustong mawala si Hermes," sabi niya sa akin.

Halos hindi na ako makasagot sa kanya, iyak na lang ako ng iyak.

"Masaya akong makilala ka...sobrang saya ko na naging kaibigan kita," sabi pa niya sa akin.

"A-ako din, Hugo..." umiiyak na sabi ko.

Mas lalo siyang na-iyak at natawa.

"Parang gusto ko pang mabuhay..." biro niya sa akin dahil sa sinabi ko.

Muli siyang naubo, parang may kung anong nakabara na sa lalamunan niya na gusto niyang ma-alis.

"Hindi pa kita pinapatawad kaya talagang kailangan mong mabuhay," sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Sovannah.

"Ang kulit talaga ng babaeng 'yan," sabi niya sa akin.

Tumakbo si Sovannah palapit sa amin, kagaya ko ay lumuhod din siya sa harap ni Hugo. Umusog ako para bigyan siya ng space.

"Tatawag ako ng tulong..." sabi ko sa kanya at tumayo para sana lumabas.

Na-iwan si Sovannah sa tabi ni Hugo. Ni hindi na niya ako napansin pa kaka-iyak.

Bago pa man ako tuluyang makalabas ay muli akong tinawag ni Hugo.

"Ahtisia...bumalik ka kaagad," sabi niya sa akin.

Mula kay Hugo ay napatingin ako kay Sovannah...nanatili lang siyang nakayuko dito at umiiyak. Ni hindi na nga niya pinansin ang sinabi ni Hugo.

Nagtagal ang tingin ko kay Hugo, kanina ko pa gustong tumakbo para humingi ng tulong, pero nang mga sandalling 'yon, parang bumigat ang mga paa ko, halos dumikit sila sa kinatatayuan ko.

Tumakbo ako pababa para humingi ng tulong, hindi ko alam kung bakit ng mga oras na 'yon ay para bang tumigil na sila bigla sa paghahanap, na para bang hindi na nila tiningnan pa ang buong lugar para maghanap ng pwede nilang i-rescue.

"Ahtisia!" galit na tawag ni Piero sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Lumapit ako sa grupo ng mga rescuer.

"May tao pa sa taas, nasa taas pa si Hugo...kailangan niyang madala sa hospital," natatarantang sabi ko sa kanila.

Nagmadali silang lahat, hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila. Mabilis din naman ang nagawa nilang pagkilos, tumakbo sila pabalik sa loob dala ang mga gamit nila.

"Halika na..." tawag ni Piero sa akin.

Sa kanyang likuran ay si Amaryllis.

"Dinala na si Hunter sa hospital...at talagang pinili mo ang kaibigan mong traydor kesa pinsan ko? Hinahanap ka niya..." sabi niya sa akin.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ni Piero, nakita kong dalawang ambulansya na ang wala doon.

Muli kong nilingon ang warehouse, gustuhin ko mang magpahila kay Piero dahil tama siya, kailangan ako ni Hunter. Pero nangako ako kay Hugo na babalik ako kaagad.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon