Chapter 57

42.7K 1.9K 184
                                    

Request








"Hindi naman ata talaga masakit ang ulo mo. Nag-iinarte ka lang para sunduin ka ni Ahtisia dito," sita ni Kenzo sa kanya.

Mula kay Kenzo ay muli kong nilingon ang nakahiga pa ding si Hunter, naka-dilat na siya ngayon at feel na feel pa din talaga niya ang pagkakahiga doon.

"Sumakit talaga ang ulo ko," laban niya dito kaya naman hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya.

"Tss." Inis na sambit ng pinsan niya bago ito muling nagpaalam sa akin.

"Aalis na ako. May mga pasyente pang mas kailangan ako. Ginawa mo pa akong taga-bantay mo," seryosong sabi ni Kenzo pero ramdam ko yung pang-aasar sa tono ng kanyang bawat salita.

Ngumisi si Hunter. Hindi kaagad umalis si Kenzo, sandali siyang naging abala sa phone niya bago siya ngumisi.

"Tangina naman..." reklamo ni Hunter.

Nang lingonin ko siya ay doon ko nakitang nakatingin na din siya sa phone niya. Naka-ngisi si Kenzo nang lumabas siya sa kwarto na para bang bayad na ang hospital bill ni Hunter dahil sa ginawa niya.

Napabuntong hininga ako ng ma-iwan kaming dalawa. Lumapit ako sa kanya at marahang inilapag ang bag na dala ko sa paanan ng hospital bed niya.

"Anong nangyari?" marahang tanong ko. Gusto kong magtunog kalmado, ayokong iparamdam sa kanya na nag-aalala ako o kaya naman ay nag-panic.

I want to take everything as lightly as possible. Hindi pwedeng matakot, wala dapat lugar ang takot.

Padarag niyang binitawan ang phone niya na inirapan pa niya muna. Tumulis ang nguso ko, may mga topak talaga ang magpipinsang 'to minsan, hindi ko na din ma-intindihan.

Inabot ni Hunter ang kamay ko at hinawakan 'yon.

"Medyo sumakit lang ang ulo ko. Ilang araw babad sa meeting," paliwanag niya sa akin.

Mas lalo akong dumikit sa gilid ng hospital bed, halos ilagay ko na ang buong bigat ko sa pagkakahilig doon.

"That's why I told you to stay at home. Ako na ang magt-trabaho para sa atin," sabi ko sa kanya.

Humina ang mga huling salita dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Para bang namamangha siya o ano na hindi ko ma-intindihan.

"I should be the one to provide for our family. And mahihirapan kang magtrabaho kung taon-taon kang buntis..."

"Ano!?" gulat na tanong ko.

Tipid na ngumisi si Hunter, hawak pa din niya ang kamay ko, nakita kong pinagmamasdan niya ang engagement ring sa daliri ko.

"Stop with that mindset na ang lalaki lang dapat ang nagt-trabaho. Women can work too...We can also provide, lalo na kung iba-iba ang sitwasyon," giit ko.

Marahan siyang tumatango habang pinapakinggan ako.

"You are right, Mrs. Jimenez."

"Hmp. Matigas naman ang ulo mo..."

Tiningala niya ako at pinagtaasan ng kilay. Mula sa kanyang mukha ay lumipat din ang tingin ko sa ulo niya, bagay kay Hunter ang bago niyang haircut, mas lalong na depina ang jawline niya, lahat ng aspeto sa kanyang mukha ay mas lalong nangibabaw.

"Do you like my new hair?"

Tuluyan na akong umupo sa gilid ng kanyang kama, bahagya siyang umusog para bigyan ako ng space.

"Bagay naman sa 'yo...sigurado, magugulat din si Hartemis pagnakita ka."

Itinaas ko ang kamay ko para marahang suklayin ang buhok niya, inayos ko 'yon gamit ang mga daliri ko kahit ayos naman na. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata ni Hunter dahil sa ginagawa ko.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon