Chapter 13

32.4K 1.3K 436
                                    

Isusuko








I turned off my phone immediately as I walked away from that place. Ni hindi ko na sinundan pa ng tingin ang sasakyan kung saan sumakay si Ahtisia.

Tiniis ko buong hapon na 'yon na wag buksan ang phone ko. Sigurado din naman akong hindi ko sasagutin ang tawag ang messages niya kung sakaling may dumating.

I don't want to think bad of her, pero dahil nagawa niyang magsinungaling sa akin. Hindi ko na din ma-intindihan.

"Himala at sasama ka ngayon, Hunter?" kantyaw ng mga kaibigan ko.

Sumama ako sa kanila nang yayain nila akong mag-bar ng gabing 'yon dahil hindi naman hectic ang schedule namin para bukas.

"Mabait kasi girlfriend niya. Hinayaan nga silang magsine ni Sovannah," sabi pa ng isa kaya naman kumunot na ang noo ko.

Nagtawanan sila sa harapan ko kaya naman nanatili ang tingin ko sa kanila.

"Saan niyo nalaman 'yan?"

"May nakakita sa inyo. Coffee date tapos sine...dalawa ba ang girlfriend mo?"

"Tama na 'yan," suway sa kanya ng isa nang makita niyang hindi na ako natutuwa at hindi din naman ako nakikipagbiruan.

Nawala ang ngisi sa labi niya at kagaad na tumahimik dahil sa talim ng tingin ko sa kanya.

"Chill, pare. Nagbibiruan lang naman tayo dito," laban niya sa akin kaya naman inirapan ko na siya bago ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Tara na...tara na," yaya nila sa akin.

Galit akong tumingin sa suot kong wrist watch.

"Mauna na kayo, susunod na lang ako," sabi ko.

"Yung mga ganyan...hindi na 'yan susunod."

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila.

"Susunod na lang ako," paalam ko bago ko sila tinalikuran.

Ni hindi ko din sigurado kung susunod pa ba talaga ako. Nawalan ako ng gana kaya naman mas gusto kong sa bahay na lang uminom.

"Sino ng nandito?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay namin pagka-uwi ko sa amin.

"Kaka-alis lang po ng Mommy at Daddy niyo...ang Kuya Hobbes niyo po wala pa," sagot niya sa akin kaya naman tumango na lang ako.

Tamad akong naglakad pa-akyat sa hagdan. Tinanong pa ako nito kung maghahanda ba sila ng pagkain para sa akin, pero hindi na ako nagpahanda dahil lalabas din naman ako.

Naligo lang ako at nagbihis. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay sinubukan ko nang buksan ang phone ko. Nakita ko ang ilang message at missed calls mula kay Ahtisia.

Gusto kong basahin, gusto kong sagutin ang tawag niya pero masyado pang masama ang loob ko kaya naman inilayo ko muna ang phone ko sa akin.

Masama pa ang loob ko, baka kung ano pang masabi ko na pagsisihan ko din sa huli.

Sumalubong sa akin ang ingay pagkapasok ko sa The Vega's. Isang kakilala ang nagsabi sa akin na nandito din daw si Kuya Hob, ilang pinsan ko ang kasama niya kaya naman sila kaagad ang hinanap ko.

Ilang kakilala ang sumalubong sa akin kaya naman naging matagal ang paglapit ko sa kanila. Habang nakikipag-usap sa isa sa mga kakilala ay napansin ko na kaagad ang pamilyar na babae na katabi ni Kuya.

"Wala na pala talaga si Isabela Gan at ang Kuya mo...buti naman," sabi nito nang mapansin niyang nandoon din ang tingin ko.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" tanong ko na hindi na niya nasagot pa dahil sa ingay at dami ng tao.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon