Chapter 35

69.9K 3K 3.2K
                                    

Teritory





Hindi din klaro sa akin ang sinabi ni Mr. Luis Villareal, pero mas natuon ang aking pansin sa pagkadismaya sa mukha ni Hunter dahil hindi makuha ang gusto niya. Ganoon ba kadami ang pera niya kaya ginawa niyang hobby ang pagbili ng mga shares sa iba't-ibang company?

Dahil sa na-isip tungkol sa kanya ay wala sa sarili na lamang akong napa-irap. Lately, everything about him irritates me. Kung hindi ko lang nakikita ang mukha ni Hermes sa kanya ay never na talaga akong titingin.

"But we can't bring an offer down, lalo na't isang Jimenez na ang lumalapit sa atin. We can still talk about some other offers sa taas...sa office ko," pag singit ni Sir Zanjo Vergara.

Mula sa akin ay inilipat ni Hunter ang tingin sa dalawa, ganoon din ang ginawa ko. Hindi pa din natanggal ang ngisi sa labi ni Sir Luis.

"We'll go first then," pagsingit ni Architect Fontillian.

Tumango ang dalawa at nilingon ako. Matamis ang ngiti nila sa akin, minsan ay nagdududa na ako sa ipinapakita nilang kabaitan. Mas sanay na ata akong ayaw ng mga nakapaligid ko sa akin.

"See you around, Hija..." Sir Luis said this time.

Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa. Sa kanilang dalawa lang.

Matapos naming bumili ng breakfast sa may cafeteria ay bumalik na din kami sa office. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho kahit ang totoo ay mukhang lumilipad ang isip ko papunta sa office sa itaas.

Bakit ba hindi na lang manahimik si Hunter sa companya nila. Lahat na lang ba ng companya ay gusto niyang may shares siya? Akala mo kulang sa aruga, e.

I'm still thankful na hindi na ulit kami nagkita pa ng araw na 'yon. Umuwi kaagad ako galing sa trabaho, kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko ay hindi ko naman talaga gustong iwanan si Hartemis. May tiwala ako kay Kuya Wil...pero kay Ate Monica, hindi ko alam.

"Darating ang mga anak mo bukas, saan mo papatuligin ang mga 'yon? Sa sahig sa may sala?"

'Yon kaagad ang narinig ko pagka-uwi ko.

"Sa kwarto natin, kasya naman tayong apat do'n," sagot ni Kuya Wil sa kanya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, matapos kasing magsalita ni Kuya Wil ay narinig ko ang ingay ni Hartemis na para bang nakikipag-usap din siya sa mga ito.

"Oh, di ba? Buti pa si Hartemis namin...matalino," pagkausap ni Kuya Wil sa baby ko.

"Oh, ako? Bobo ako, ganoon ba?" inis na tanong ni Ate Monica.

Hindi kaagad nakasagot si Kuya Wil sa asawa.

"Monica, hindi na iba si Ahtisia at Hartemis sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila...nakalimutan mo na ba lahat ng naitulong nila sa atin?" pagpapa-intindi ni Kuya Wil dito.

"Wilfredo, hindi habang buhay...magbabayad ka ng utang na loob. Oo na't malaki ang utang na loob mo, pero isipin mo naman, sobrang hirap ng buhay ngayon," giit ni Ate Monica.

Naiintindihan ko naman ang point niya.

Hindi na nakasagot pa si Kuya Wil. Si Hartemis na ang sumagot para sa kanya. Baby naman, nakikisali ka na sa usapan ng mga matatanda.

"Masikip na tayo dito. Yung kwarto nila...para 'yon sa mga anak mo. Dalaga na ang mga anak mo, gusto mong matulog sa may sala?" pinal na sabi ni Ate Monica.

"Edi, tayong dalawa na lang ang matulog sa may sala," suwestyon pa ni Kuya Wil sa asawa.

"Hay naku, Wilfredo!"

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon