Chapter 31

53.5K 2.1K 1.4K
                                    

Headlights








Alam kong pinal na ang desisyon ni Mommy, at kahit anong paki-usap ko ay hindi na siya mapipigilan, pero sinubukan ko pa din.

"Please, Mommy. Para kay Hartemis..."

I know na may soft spot si Mommy for her pero this time...mukhang masyado na siyang kinain ng sobrang galit.

Kung noong una ay sinasabi sa akin ni Mommy ang mga plano niya, ngayon ay hindi na. Hindi ko alam kung ayaw niya lang bang madamay ako dito, o baka wala nanaman siyang tiwala sa akin dahil nagiging mahina ako?

Tipid akong ngumiti kay Hartemis nang umakyat ako sa kama para tabihan siya, paulit-ulit ko siyang hinalikan sa pisngi hanggang sa matawa ako nang marinig ko ang pag-protesta niya.

"Mommy is here," malambing na paninigurado ko sa kanya.

If no one is there for me...atleast I'm here for my baby. Hindi ko hahayaang maranasan ni Hartemis ang mga bagay na naranasan ko. I'll do my best, I'll give her everything, every love, every attention.

"Ang Kuya Hermes, of course..." dugtong ko pa kaya naman naglikot nanaman ang mga kamay at paa niya.

My heart melts everytime she starts with her small cooings. Sumasagot na talaga ang baby ko tuwing kinakausap siya.

Hindi ko kayang takasan ang curiosity about Hugo's real identity, naiwasan ko 'yong alalahanin ng gabing 'yon, pero hindi ng sumunod na araw.

"Can we talk?" seryosong tanong ko sa kanya.

Siya ang unang tumawag para mangamusta, I grab the opportunity to know everything. I was blinded by the truth the whole time. Matagal na din kaming magkaibigan, hindi ko ma-intindihan kung bakit hindi niya binanggit sa akin 'to.

"Sure. May problema ba?" tanong niya sa akin.

Luluwas ako ng Manila ngayong araw kaya naman I told Hugo na magkita na lang kami. I was planning to talk to Lolo Joaquin. Nagpalusot na lang ako kay Mommy na may kailangan akong puntahang meeting regarding the work para hindi na siya magtanong.

Mag-isa akong bumyahe dala ang sasakyan ko paluwas ng Manila. I've been in the oil company a couple of times kaya naman hindi na ako mahihirapan. Lolo's sched is full that morning kaya naman una akong nakipagkita kay Hugo.

He's all smile habang naghihintay sa akin sa coffee shop na napag-usapan.

"Look who's back in the city," nakangising salubong niya sa akin.

Tumayo siya para salubungin ako ng yakap ng kaagad akong umiwas. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni Hugo dahil sa ginawa ko.

"Let's talk," seryosong sabi ko sa kanya at nauna ng umupo para ipaalam sa kanya na I want a straight to the point answers tungkol sa pag-uusapan namin ngayon.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakapagsalita, inipon ko muna lahat ng lakas ng loob na dala ko bago ako nagsalita. I can't lose him, si Hugo ang isa sa mga taong naging totoo sa akin, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na malaman kong niloko niya lang din ako.

"Hindi ka pa nagk-kwento sa aking tungkol sa Daddy mo," pag-uumpisa ko.

Sandali siyang natigilan, nanatili ang tingin niya sa akin. Sa huli ay napabuntong hininga na lamang si Hugo at marahang napatango na para bang handa na siyang isuko sa akin ang kung ano mang itinatago niya.

"I'm Everette Medrano's adopted son," pag-uumpisa niya.

Nalaman ko na 'to kay Mommy. Iba pa din pala ang pakiramdam na sa kanya ko mismo marinig ang katotohanan.

A Dream that never came (Sequel #4)Where stories live. Discover now