Chapter 16

31.5K 1.3K 1.1K
                                    

Letter








Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko, ramdam ko pa din ang hilo at panghihina, dagdag pa sa pambubugbog ni Kuya Hob sa akin. Mariin akong napapikit at napa-iling. Wala pa din ako halos naiintindihan sa nangyayari.

Kaagad kong nilingon si Isabela na hanggang ngayon ay naka-upo pa din sa kama habang nakatakip lang ng putting kumot ang kanyang hubad na katawan. Kita sa mukha niya ang takot at pagiging emosyonal.

"Anong nangyari?" matigas na tanong ko sa kanya.

Ni wala nga akong naalala na may nangyari nga sa amin, ang huling natatandaan ko lang ay ang panghihina ko at pagkahilo kagabi bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Ang marahan niyang pag-iling ay unti-unting naging marahas bago sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I-I don't know...hindi ko din alam," sagot niya sa akin.

Padabog akong napa-upo ulit sa gilid ng kama at napahawak sa aking sintido. Mas lalong sumasakit ang ulo ko, hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa hang-over, pero mas grabe ang ngayon.

"Did someone fucking drugged me?" galit na sambit ko.

I've experience hang-over before...maraming beses. Hindi ganito ang hang-over, alam kong may iba pa.

"Hundson..." tawag ni Isabela sa akin, naramdaman ko ang hawak niya sa balikat ko kaya naman kaagad akong tumayo para maka-iwas.

"Hindi dapat nangyari 'to. Aalamin ko kung sino ang may gawa nito," sabi ko sa kanya.

Kaagad kong pinulot ang mga damit ko bago ako nagmamadaling lumabas ng kwarto na 'yon. Malalaking hakbang ang ginawa ko pagka-labas ng bahay. Hindi kagaya kagabi ay bilang na lang ang mga sasakyan na nasa parking lot.

Padabog akong sumakay sa aking sasakyan at muling napahilot sa aking sintido. Napahawak ako sa aking panga ng unti-unti ko ng maramdaman ang suntok ni Kuya sa akin.

I need to talk to him. Mali ang inisiip niya. I can't lose him...I can't lose my brother.

Sovannah Calling...

Bago ko pa man ma-start ang sasakyan ay tumunog na ang phone ko dahil sa tawag niya. I cleared my throat at napabuntong hininga pa bago ko iyon tuluyang sinagot.

"Kagabi pa kita hindi ma-contact...kayo ni Bel. What happened? Hindi siya umuwi, galit na sina Mommy at Daddy...pati parents niya sa states nag-aalala na din," dire-diretsong litanya niya Sov pagkasagot ko ng tawag.

Habang nakikinig sa kanya ay nakita ko na din ang paglabas ni Isabela mula sa bahay, kita sa mga galaw nito ang pagmamadali niya na para bang kahit wala naming ibang tao sa paligid ay ilang siya.

"P-pauwi na siya..." sagot ko kay Sov.

"You're together?" tanong niya pa sa akin kaya naman mas lalo akong mariing napapikit.

"W-with...common friends," sagot ko sa kanya.

I can't tell her na nahuli kami na magkasama sa kama. I don't even remember nga kung totoong may nangyari. I need to investigate, alam kong may mas malalim pa dito.

"Ok. But please send me a message pag naka-uwi ka na. Drive safely..." marahang sabi niya sa akin na kaagad ko naming tinanguan kahit hindi naman niya nakikita.

Halos lumilipad pa din ang utak ko habang nagmamaneho ako pauwi sa amin. I tried to call Kuya's phone pero he keeps on declining it.

"Hundson...what happened?" gulat na tanong ni Mommy ng makita niya ang pasa sa cheekbones ko at sugat sa gilid ng aking labi.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon