Chapter 37 (Hunter's)

68.1K 2.7K 2K
                                    

Warning: This chapter might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.

-----------------------------------

Abduction


Buong gabi akong nagpuyat para sa pagre-review. Napahikab ako nang makaramdam ako ng antok. Inikot ko ang swivel chair na inuupuan ko para harapin ang gawi ng kama. Mas lalong pumungay ang aking mga mata nang makita kong mahimbing ang tulog ni Ahtisia.

I badly want to go there and lay with her. Hug her tight at matulog kasama siya. Pero imbes na pagbigyan ang antok ay mas lalo kong pinilit ang sarili kong mag-focus sa pagre-review. We're pregnant, reason for me to be more motivated.

I want to pass this board not only for me but for my family. I'm going to be a dad soon. Nakaramdam ako ng kaba nung una when Ahtisia told me about it. Pero mas nangibabaw ang saya. I'm not yet ready for this. But I'm willing to be ready for them.

"Text me every now and then. Pag may kailangan ka...kayo, sabihin mo kaagad sa akin," paalala ko kay Ahtisia ng ihatid ko siya pauwi sa kanila kinaumagahan.

As much as I want them to stay with me.... I respect her decision to take it slow. She's not yet ready to tell her parents about this.

Umuwi ako sa bahay para kumuha ng ilang mga gamit na dadalhin ko sa condo.

"May laman pa ba ang refrigerator mo sa condo, Hundson? You need to eat a lot. Nagre-review ka, gusto mo doon muna ako sa 'yo? Para may mag-asikaso sayo..." malambing na sabi ni Mommy kaya naman natawa ako.

"Kaya ko na po, Mommy. Mas gusto ko pong tahimik pag nag-aaral ako," nakangising sabi ko.

Sumimangot siya na mas lalo kong ikinatawa.

"At bakit? Ma-ingay ba ako?"

Nagkibit balikat ako kaya naman humaba ang nguso niya at lumapit sa akin para yumakap.

Niyakap ko pabalik si Mommy. Excited na din akong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ni Ahtisia. But we need to follow the plan, hindi pa muna habang hindi pa nasasabi ni Ahtisia sa parents niya.

Bago dumiretso pabalik sa condo ay naka-received ako ng message mula kay Piero na pinapatawag kami ni Tito Luke. Pagkarating ko sa office ay humaba kaagad ang leeg ni Piero para tingnan kung may dala ko.

"Walang pagkain?" tanong niya kaya naman inirapan ko siya.

"Mukha kang pagkain," sita ko sa kanya.

"Galing ka sa inyo, impossible na walang padalang pagkain si Tita. Damot amputa!" asik niya sa akin.

Pinakita ko ang kamao ko sa kanya at nginisian bago ako dumiretso paupo sa sofa sa loob ng office ni Tito Luke.

"Someone is behind this. I believe Yesha and Alliyah is just a victim," sabi ni Tito.

Tahimik akong nakinig. Hindi ko din alam kung paanong sa lahat ng mga Jimenez na pwedeng maka-alam tungkol dito ay isa ako doon...kami ni Piero at Aziel.

"We need to be careful sa bawat galaw natin. We can't trigger the person who's behind this. Magugulo lang ang lahat...mas madaming madadamay," paliwanag niya sa amin ni Piero na kaagad kong sinang-ayunan.

Napa-irap ako sa kawalan nang makita ko ang paghikab ni Piero na para bang wala man lang siyang kabang nararamdaman.

Kung totoong may tao behind this at biktima lang din sina Yesha and Alliyah, her daughter. We can't risk their life. Jimenez pa din sila.

Madilim na sa labas ng matapos ang meeting namin with Tito Luke. Piero keeps on saying na gusto na niyang umuwi dahil gutom na siya.

"I'm going to be a Dad," I said proudly habang nasa loob kami ng elevator pababa ng building.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon