Chapter 40

59.6K 2.4K 815
                                    

Merry Christmas, Everyone! I love you, always. love, Maria.








Move on









Hindi ko kinaya ang ibinigay na tingin ni Hunter sa akin, matapos kong sabihin ang mga salitang 'yon ay nakaramdam din naman ako ng bigat sa dibdib. I'm just overwhelmed with the situation, that for the long time na gusto kong sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ngayon...pwede na.

That I can easily voice out my anger, disappointments, and questions.

Magsasalita na sana siya ng tumunog ang phone niya para sa isang tawag. Kaagad akong nag-was ng tingin, humigpit ang yakap ko kay Hartemis. Ayokong makita o marinig ako ng Baby ko na ganoon. As much as I can, I want to be a good example.

Gusto kong iparamdam kay Hartemis na mahal na mahal ko siya, yung pagmamahal na hindi niya kailangang makaramdam ng galit o tampo sa ibang tao...lalo na sa Daddy niya.

"Mommy...I'm fine. Don't worry about me." Rinig kong sabi ni Hunter sa kausap.

Binuksan ko ang apartment para makapasok na kami ni Hartemis. Mabigat din para sa akin ang mga salitang binitawan ko, kaya naman hindi ko alam kung paano harapin si Hunter ngayon. Sometimes, being too soft is a disadvantage. Ikaw na nga yung sinaktan...ikaw pa yung mag-guilty pag gumanti ka.

"Oh, irritated na ang baby ko?" malambing na tanong ko kay Hartemis. Nag-umpisa na siyang ma-irita sa suot niyang diapers.

"Ahtisia..."

Sandali kong nilingon si Hunter nang tawagin niya ako. Kagaya ng dati ay hanggang sa pintuan lang siya. He knows his boundaries, and I appreciate that.

"May kailangan lang akong puntahan sandali. Babalik din ako kaagad...mag gusto ka bang ipabili o kainin?" tanong niya.

Marahan akong umiling bilang sagot habang ang focus ko ay nasa kay Hartemis.

"Babalik ako..." paninigurado niya sa amin.

He gave us those assurance na para bang we're demanding for his presence. Binibigyan ko siya ng chance to see, and to be with my baby, pero hindi ko alam kung para saan pa yung mga salita niyang ganyan.

Umalis si Hunter kaya naman nagawa ko ang mga kailangan kong gawin. Mabilis na nakatulog si Hartemis matapos ko siyang linisan. Mahimbing na kaagad ang tulog niya, mukhang pagod sa kakadaldal at kakalaro kasama sina Dawn at Lucy. O baka ang Daddy niya. Hindi ko naman alam kung gaano katagal na nasa kay Hunter si Hartemis bago ako dumating.

Matapos kong ayusin ang schedule ko sa hawak kong planner ay nag pasya na din akong matulog. Pinatay ko ang ilaw sa may sala. Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa aking nagsasabing sumilip ako sa may bintana.

"Ahtisia..." suway ko sa sarili ko.

Mariin akong pumikit, sa huli ay ginawa ko ngayon. Pinilit kong sumilip doon sa likod ng mga kurtina para hindi ako mahuli. Gumaan ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan nang makita kong nandoon na ulit ang sasakyan ni Hunter...bumalik siya.

Maaga akong nagising kinaumagahan, mahimbing ang tulog naming ni Hartemis. Halos sabay kaming nagising na dalawa. I enjoyed that moment with her every morning. Halos panggiglan ko siya sa tuwing kinukusot niya ang mga mata niya gamit ang maliit niyang kamay, ang bawat pag hikab niya bago siya tumawa sa akin.

Sa tuwing humahalik ako sa tiyan niya paakyat sa dibdib, hanggang panggigilan ko ang pisngi niya ay nakayakap ang mga kamay niya sa ulo ko. Tatawa ulit siya sa tuwing makikiliti.

"I miss Kuya Hermes," sumbong ko sa baby ko.

As much as I don't want to ruin the moment, I can't stop myself thinking about all the what if's. How does it feels like kung silang dalawa ang kasama ko? Anong pakiramdam kung silang dalawa ang nilalambing ko ngayon.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon