Chapter 56

38.9K 2K 374
                                    

Haircut




Buong akala ko ay macu-curious siya dahil sa sinabi ko, pero ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang pagtikim niya.

"You missed him so much, huh?"

Napanguso ako at napa-irap sa kawalan. He sounds jealous.

"E, nakita ko naman talaga," laban ko pa din sa kanya.

"Tsk."

Imbes na mag-react sa pagtikhim niya ay tahimik kong pinagmasdan si Hunter. Nakakunot ang noo niya at medyo matalim ang tingin sa kalsada, pero kahit pa ganoon ay hindi ko talaga mapagkakaila kung bakit ko siya nagustuhan noon. Kung bakit sa mundong kuntento na akong tahimik at mag-isa, ay nakuha niya ang pansin ko...nakuha niya ang atensyon ko.

Mukhang naramdaman niya ang paninitig ko sa kanya kaya naman bahagya niya akong nilingon. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ako.

"Uhm...may nakapagsabi na ba sa 'yo na you look like young Henry Cavill?" tanong ko kay Hunter.

Ang kaninang nakatulis niyang nguso dahil sa pagsimangot ay unti-unting napapalitan ng ngisi.

"I heard that a couple of times already," pagyayabang niya kaya naman hindi ko na na-iwasang magreklamo.

"Hmp."

Sambit ko na ikinatawa niya.

Hunter looks like young Henry Cavill, while Hobbes Jimenez resembles the more matured Henry Cavill. Hunter's face is a bit softer than his brother.

Umayos ako ng upo, isinandal ko ang ulo ko sa headrest. "I miss Hartemis already," sabi ko sa kanya kahit malapit na kami sa bahay.

Napansin ko ang paglingon ni Hunter sa akin, hanggang sa maramdaman ko ang pagkuha niya sa kamay ko. Dinala niya 'yon palapit sa kanya, hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"Can I be honest with you?" tanong niya sa akin.

Matapos ko siyang nginitian.

"Of course."

Napabuntong hininga si Hunter, para bang may malalim siyang inisip bago niya sinabi sa akin ang gusto niyang sabihin.

"I told Alihilani before, na hindi ko gugustuhing ikaw ang maging ina ng mga anak ko...hindi kagaya mo."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Nasaktan ako nang marinig ko 'yon, pero hindi ko alam kung bakit kahit ganoon ay hindi ko masyadong dinamdam ang sakit.

"Nadala ako ng sobrang galit...masyadong magulo ang lahat noong mga panahong 'yon," paliwanag niya.

Marahan akong tumango at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagpisil ni Hunter sa kamay ko.

"Bagay na pinagsisisihan kong sinabi ko. Sobrang swerte ni Hermes at Hartemis na ikaw ang Mommy nila. Just like how I always dreamed of..."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang malaman yung ibang masasakit na salitang nasabi niya tungkol sa akin dahil sa galit.

"I'm sorry for all the hurtful...foul words that I have said. Alam mo man o hindi," sabi pa niya kaya naman tipid akong tumango.

Hindi ko din matandaan kung may nasabi akong hindi maganda tungkol sa kanya noong mga panahong galit din ako. Tama nga sila, mahirap magsalita o gumuwa ng isang bagay pag sobra-sobra ang emosyong nararamdaman mo...mahirap magsalita pag galit ka.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon