Chapter 50

52.2K 2.2K 557
                                    

Reveal








Nanatili ang tingin ko sa pagiging seryoso ni Piero nang tanungin niya ako tungkol doon. Buong akala ko ay hindi kagaya nina Castellana ay hindi niya sineseryoso ang bagay na 'to.

Naputol ang tinginan naming dalawa nang sumingit si Hunter sa gitna namin.

"Anong nalaman mo tungkol doon?" tanong niya sa pinsan.

Mas lalong sumimangot si Piero. "Bakit ko sasabihin sa 'yo? Sa amin lang 'to ni Ahtisia. Mag-focus ka sa secret meeting niyo..." sabi niya bago tinapunan ng tingin sina Tadeo at Castellana.

Gusto ko na sanang bumilib sa kanya, nandoon na sana yung angas, pero nang sabihin kasi niya 'yon kay Hunter ay ramdam na ramdam mo yung tampo niya sa mga 'to. Na para bang bata siyang hindi sinali ng mga kalaro niya at ngayon ay gumaganti.

"Piero." Madiing tawag ni Hunter sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay. Hindi talaga siya matitinag.

"Hunter. I want to do my work alone. Mas nakakapagtrabaho ako kung ako lang mag-isa, don't worry about me...kayo din ang magb-benefit nito, pero sa ngayon...secret lang namin 'to ni Ahtisia. Because you have your own secrets, right? Without me." Mahabang paliwanag pa din niya while pointing out his dismay.

Yung tampo talaga niya ang nangingibabaw.

Narinig ko ang mahinang mura ni Tadeo dahil sa pinagsasabi ng kapatid. Tinakpan ni Piero Herrer ang magkabilang tenga niya at kaagad kaming tinalikuran para bumalik sa party. Sinundan ko siya ng tingin, tama naman...walang kaso sa aking kung magkaroon din kaming dalawa ng sikretong meeting tungkol sa S.I.A.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Hunter sa akin. Sinubukan niya akong pigilan nang tangkain kong sumunod kay Piero.

Sinamaan ko siya ng tingin, bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Pupuntahan ko si Hartemis," sabi ko. Wala akong kahit na anong emosyong ipinakita sa kanya.

Napabuntong hininga siya at mariing napapikit.

"I'm sorry..."

Bago pa man madugtungan 'yon ni Hunter ay nagpaalam na sina Tadeo at Castellana na mauuna na sa loob para bigyan kami ng privacy.

"Walang problema sa akin, Hunter. I know our boundaries," sabi ko.

Siguro ay may mga bagay pa din sa kanya na hindi ko pwedeng malaman. Na baka hindi kailangang lahat ng galaw at plano niya ay dapat kong malaman. Baka ganoon naman talaga, hindi naman pwedeng lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko.

"No. Gusto kong malaman mo, ang kaso ay gusto ko munang kumpirmahin bago tayo gumawa ng plano. Pointing fingers won't work, mas lalo lang hahaba ang imbestigasyon, mas lalo lang gugulo," paliwanag niya.

"Pointing fingers...most specially with your girl friends won't work, right?" pagtatama ko ng mahaba niyang litanya.

Tumikhim siya, mas lalong napapikit ng mariin. I don't want to be sound jealous. Pero 'yon ang isa sa nakikita kong dahilan. Ayaw niyang mapahamak si Sovannah? Ayaw niyang sumama ang image nito?

He's right, hindi magandang mag-conclude kaagad. Kaya nga ang nasa isip ko ngayon ay hindi ko na din muna ivo-voice out sa kanya dahil hindi magandang mag-conclude, lalo na kung kaibigan...lalo na kung malapit sa 'yo.

"Ahtisia...I'm sorry. I just..."

"It's ok, Hunter."

Matapos kong sabihin 'yon sa kanya ay ako na mismo ang bumawi ng kamay ko at kaagad siyang tinalikuran para sa puntahan ang baby ko.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon