Chapter 58

43K 1.9K 341
                                    

Sabino








Matapos ang nangyaring yakapan na 'yon sa pagitan namin ni Ericatrina ay pareho kaming nanatiling tahimik, naghihintay na lumabas ang Doctor ay sabihing ayos na ang lagay ni Daddy.

Gusto kong magsalita, pagaanin pa lalo ang loob niya. Pero sa tingin ko, may mga pagkakataon na mas kailangan ng isang tao ang sarili niya, mas kailangan niya ng katahimikan. Na para bang kaihit anong salita ang ibigay ko sa kanya ay makakatulong man...pero hindi ganoon kalaki ang epekto.

Sabay kaming tumayo nang lumabas ang Doctor, nakita ko pa kung paano nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.

"Kamusta na po si Daddy?" si Ericatrina.

"Maayos na ang lagay ni Mr. Vergara. Kailangan niya lang ng mahaba mahabang pahinga. Looks like masyado niyang pinapahirapan ang sarili niya, pagod, puyat...over fatigue also," sagot niya sa amin.

Muling naging emosyonal si Ericatrina habang pinapakinggan niya ang sinasabi ng Doctor. Panay lang din ang pagtango niya habang sinasabi nito ang mga dapat at hind dapat gawin ni Daddy.

"Pwede niyo na siyang puntahan," nakangiting sabi ng Doctor sa amin bago siya nagpaalam.

Gustuhin ko man sanang pumasok sa loob ay natigilan ako. Masyadong emosyonal si Ericatrina, baka mas gusto niyang silang dalawa muna?

Ilang hakbang na ang nagagawa niya nang lingonin niya ako.

"Hindi ka papasok?" tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko, gusto kong i-sagot sa kanya yung iniisip ko kanina pero wala namang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

Bumaba ang tingin ko sa paglahad niya sa kanyang kaliwang kamay.

"Tara na. Pumasok na tayo..." yaya niya sa akin.

Wala sa sarili kong hinawakan ang nag-aabang niyang kamay. Humigpit ang hawak ko doon ng maramdaman ko ang init sa kanyang kamay. May kung ano akong naramdaman ng maglapat ang mga kamay namin dalawa...lukso ng dugo?

Kahit hindi naging maganda ang pagtanggap niya sa totoong sitwasyon namin, hindi naman mapagkakaila na magkapatid talaga kami, Ate ko siya at alam kong darating ang araw na kakailanganin namin ang isa't isa, kagaya na lamang nito, kailangan kami ni Daddy.

Mahimbing ang tulog ni Daddy pagkapasok namin. Naging tahimik kami ni Ericatrina ng mga unang minuto para hindi siya ma-istorbo, hanggang siya ang bumasag sa katahimikan.

"Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan...may sakit, mahina," kwento niya sa akin habang nakatingin sa tulog na si Daddy.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap na sinundan ng pag piyok.

"Sa sobrang abala ko sa mga bagay bagay...hindi ko na r-realize na tumatanda na talaga si Daddy. Hindi na siya bumabata..."

"Dapat sana sa mga panahong 'to ay mas intindihin ko yung mga desisyon niya...suportohan ko siya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya," dugtong pa niya.

Muli kong itinaas ang kamay ko para haplusin ang likod niya.

"Na-iintindihan naman ni Daddy na kaya naging ganoon ang reaksyon mo ay dahil nabigla at nasaktan ka."

Marahas siyang umiling na para bang aminado siya sa sarili niyang nagkamali siya.

"Sarili ko lang ang iniisip ko all this time," giit niya.

Napabuntong hininga ako. Alam ko kung gaano kabigat na mabaliwala ang sakit na nararamdaman mo. Ayokong mabaliwala yung sakit na naramdaman ni Ericatrina, valid naman 'yon. Totoong na-iintindihan naming lahat kung bakit naging ganoon ang approach niya.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon