Chapter 55

45.7K 1.9K 216
                                    

Kamukha








Napuno ng luha ang aking mga mata, kahit hindi ko tingnan ay ramdam ko ang nakasuot na singsing sa aking daliri. Tumingkayad ako para mayakap ng mabuti si Hunter, kahit pa yumuko siya at mag-adjust ay hindi pa din 'yon sapat para sa akin. I want to hug him so tight. Gusto kong yakapin siya ng mabuti pero masyadong maliit ang katawan ko kumpara sa kanya.

"Baby, I love you..." malambing na bulong niya sa akin.

Ramdam ko ang hininga niya sa tapat ng tenga ko, halos makiliti ako do'n, pero bago ko pa man indahin 'yon ay naramdaman ko na ang paghalik niya dito bago lumipat ang labi niya sa ulo ko.

Pareho kaming natawa na dalawa nang halos lumambitin ako sa pagkakayakap sa leeg niya, ni hindi ako makapagsalita sa sobrang saya kaya naman doon ko na lamang binuhos lahat ng sayang nararamdaman ko, ang yakapin si Hunter.

"Congratulations!"

Tsaka lang ako tuluyang bumitaw sa kanya nang marinig ko ang pagdating ng parents niya, nandoon din sina Hobbes at Ate Alihilani. Sinalubong ako ni Ate ng yakap habang karga niya si Hartemis, matapos 'yon ay kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang engagement ring na ibinigay ni Hunter sa akin.

It's an Emerald cut halo engagement ring, puno din ng bato ang palibot ng singsing.

"Ang ganda," nakangiting puna ni Ate dito.

Matapos niyang sabihin 'yon ay iniabot niya sa akin si Hartemis. Nginitian ko ang baby ko, tumili siya nang kuhanin ko siya at kaagad na yumakap ng mahigpit sa akin.

Lumapit ang parents ni Hunter sa akin para pormal akong i-welcome sa kanilang pamilya.

Hinawakan ni Mrs. Jimenez ang mga kamay ko at pinaharap ako ng mabuti sa kanya. Pinagmasdan niya lang akong mabuti, wala na siyang nasabi hanggang sa niyakap din niya ako ng mahigpit na para bang 'yon ang way niya para sabihin sa aking masaya siya.

"Hindi ako naging mabuti sa inyo ni Hartemis nung mga unang pagkikita natin. Sobra akong nagsisisi...nung nakilala kitang mabuti, doon ko nakita kung bakit ka minahal ng anak ko," sabi niya sa akin nang sa huli ay mukhang nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magsalita.

"Tapos na po 'yon...Mrs. Jimenez," sabi ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng mata, "Mommy..." pagtatama niya kaya naman bigla kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

"Mommy..." pag-uulit ko.

Ganoon din kay Daddy Seb, ramdam kong totoong masaya sila dahil sa proposal ni Hunter, na para bang matagal na nilang hinihintay na lumagay na din sa tahimik ang bunsong anak nila.

"For sure, Kuya Hermes is happy..." nakangiting sabi ko kay Hartemis nang mabakante kaming dalawa.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ni Hunter sa aking likuran.

"He's happy...I know he is," paninigurado niya sa akin.

Habang nasa ganoon kaming posisyon ay abala na ang parents niya at ilang mga kasambahay para ayusin ang lamesa at pagkain, medyo late na pero heto't kakain pa din kami.

"Ilang oras kong tiniis ang gutom para lang dito," rinig naming sabi ni Hobbes kay Ate Alihilani na nasa hindi kalayuan sa aming gawi.

Natawa kaming dalawa ni Hunter, lalo nan ang mukhang sumangayon si Allennon sa Daddy niya.

Nilingon ko ang nakangiting si Hunter, nakita ko na kung paano niya alagaan si Hartemis, minsan na-iisip ko kung paano siya kung si Hermes naman ang kasama niya. Paano siya kung dalawa silang inaalagaan niya?

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon