Chapter 51

46.4K 2K 534
                                    

Laguna








Halos hindi ko siya matingnan ng maayos dahil sa panlalabo ng aking mga mata dahil sa pag-iyak. Ayokong maniwala, galit ako kay Hugo dahil ayaw niyang itanggi, malaki ang tiwala ko sa kanya...hindi niya magagawa sa akin 'to.

"Ahtisia...patawarin mo ako," paulit-ulit na sabi niya habang umiiyak.

Marahan akong umiling, hindi ko na napigilan at dinuro ko na siya.

"Ikaw..." sambit ko, ni hindi ko madugtungan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Sobrang bigat sa dibdib, sobrang sakit.

"Ikaw lang ang nandoon sa tabi ko nung mga panahong 'yon. Ikaw lang ang nandyan para sa akin...paanong naging ikaw? Bakit ikaw, Hugo?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko alam kung paano ko 'to tatanggapin.

"Alam mo lahat, e. Alam mo lang ng paghihirap namin ng mga baby ko...alam mo 'yong lahat."

May kung anong bumara na sa aking lalamunan dahilan kung bakit umiyak na lamang ako sa harapan niya.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Hindi ko kayo ma-intindihan," sabi ni Tita Chatterly.

Hindi ko siya masagot, hindi din naman magawa 'yon ni Hugo.

"Tita, ipapaliwanag ko po sa inyo sa susunod, pero..." hindi na natapos pa ni Hugo ang paliwanag niya ng kaagad ko siyang sinangga nang tumakbo ako palayo doon.

"Ahtisia...teka!" tawag niya sa akin.

Ilang beses niya ako sinubukang pigilan ng maabutan niya ako. Dahil marahil sa kanyang panghihina at pagkawala na din sa sarili ay ilang beses din akong nakakawala at nakakatakbo ulit.

"Bitawan mo ako! Lumayo ka...masama kang tao!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Magpapaliwanag ako, magpapaliwanag ako," paki-usap niya sa akin.

Marahas na iling lamang ang isinagot ko sa kanya habang pilit akong kumakawala sa kanyang hawak. Hindi ko alam kung kaya ko pang tumanggap ng paliwanag mula sa kanya, o sa kahit na sino.

Bakit ba ang dali para sa mga tao sa paligid ko na lokohin ako? Ito ba yung sinasabi ni Mommy sa akin na masyado akong mabait para sa kanila, na dapat ay tumulad na lang ako sa kanya. Hindi ko marahil mararanasan ang lahat ng panlolokong 'to kung una pa lang ay sinunod ko na si Mommy. Sana ay naging mas matapang ako, kung natuto akong magtanim ng galit sa ibang tao...maging masama para walang maka-api sa akin.

"Papatayin kayo ni Everette sa oras na positive ang lumabas sa paternity test. Hindi moa lam kung anong kayang gawin ng matandang 'yon..." pag-uumpisa niya.

"Kahit pa!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Kahit pa, Hugo! Kung positive ang result at may banta sa buhay namin...nandyan naman si Hunter. Alam kong po-protektahan niya kami ng mga baby ko. Pero tinalikuran niya kami dahil sa ginawa mo!" sigaw ko pa din.

Ito na ata ang pinakamalakas na sigaw na nagawa ko sa buong buhay ko. Sa sobrang tagal kong nagtimpi ay sumabog na ako.

"Patawarin mo ako, Ahtisia...patawarin mo ako," paulit-ulit na sabi niya sa akin.

"Ipapakulong kita. Pagbabayaran mo 'to, Simon Avenida!" banta ko sa kanya.

Hindi siya ang Hugo na kaibigan ko. Hindi siya 'yon. Hindi ako lolokohin ni Hugo, ang Hugo na kilala ko...hindi traydor sa akin.

Halos lumuhod ako sa sahig sa kanyang harapan dahil sa panghihina. Para lang pigilan ang sunod sunod na pag-iyak ay sinubukan kong tumingala sa langit, pero walang nagawa 'yon.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon