Special Chapter

59.8K 2.3K 579
                                    

Hi, Loves! Thank you for reaching this far. Hindi din ako makapaniwala na nakatapos nanaman tayo ng isang kwento. Hindi pa din nags-sink in sa akin na tapos na ang story nina Hunter at Ahtisia. Thank you for supporting this story, thank you for believing in me and sa Huntisia. Mahal ko kayong lahat, palagi. Stay focused and go after your dreams. Ahtisia will surely love that.          -Maria.



Ahtisia Amelie Vergara-Jimenez



Halos hindi ko ma-alis ang tingin ko sa pintuan ng banyo kung nasaan si Ahtisia. Muli kong naramdaman ang maliliit na kamay ni Hartemis sa magkabilang pisngi ko. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya. May sinasabi siya na hindi ko naman ma-intindihan kaya naman napapangiti na lamang ako, tsaka ko paulit-ulit na hinalikan sa kanyang matambok na pisngi.

"I'm excited too," malambing na sabi ko sa kanya.

Mukhang ang ingay niya ay para sa paghihintay namin ng resulta. Ni hindi kami natuloy sa pagkain ng breakfast, gusto na naming makumpirma ni Ahtisia ang sinabi niya sa akin kanina.

Muli kong naramdaman ang saya at excitement nung unang beses na sinabi ni Ahtisia sa akin na buntis siya kina Hermes at Hartemis. Totoong masaya ako noong mga panahon na 'yon, naging kumplikado lang talaga ang mga sumunod na pangyayari, pero handang handa akong panagutan siya at ang mga anak namin.

Humigpit ang yakap ko kay Hartemis ng mapansin namin ang paggalaw ng doorknob, tanda na lalabas na siya. Napansin 'yon ng anak namin kaya naman kasama ko ay nakatitig din siya sa pintuan ng banyon.

"Ma..Mom..." turo niya dito.

Hartemis is sweet, just like her Mom. Iba ang pakiramdam sa tuwing hawak ko ang anak namin, iba ang pakiramdam sa tuwing dinadama ko ang ulo niyang nakasandal sa akin sa tuwing nakakatulog siya habang karga ko.

Mahal na mahal ko sila ni Ahtisia, maging si Hermes. Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama man lang kahit sandali ang anak kong lalaki ay mahal na mahal ko siya. At handa akong managinip gabi-gabi para lang makasama siya.

Marami akong pagkakamali noon, hindi na mabubura 'yon sa pangalan ko. Si Hundson Terron Jimenez na tinalikuran ang mag-i-ina niya dahil sa pagiging duwag niya, si Hunter na walang ginawa kundi ang saktan si Ahtisia.

Walang kahit anong salita ang pwedeng makapagpabago ng katotohanang nagkamali ako. Ang sigurado lang ako ay babawi ako sa kanila, gagawin ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa noon.

Napasinghap ako nang makita ko ang pamumula ng mga mata ni Ahtisia ng bumukas ang pintuan. Nakanguso din ito habang nakatingin sa akin.

"I'm pregnant."

Para siyang batang naglakad habang nakalahad ang kamay palapit sa amin. Kaagad kong tinanggap at sinuklian ang yakap niya sa amin ni Hartemis. Wala akong masabi, humigpit lang lalo ang yakap ko habang paulit-ulit ko siyang hinahalikan sa ulo niya.

"We're pregnant again," sabi ko, hindi pa din makapaniwala. Sobra ang sayang nararamdaman ko, walang kahit anong salita ang makakapag-describe no'n kaya naman nanatili akong tahimik, wala akong masabi.

Nag-ingay si Hartemis kaya naman pareho kaming natawa ni Ahtisia, tiningala niya ang baby namin. Nakita ko din kung gaano siya kasaya base na din sa reaksyon niya.

"Ate Hartemis," malambing na tawag niya dito.

I promise to do things right this time. Hinding hindi ko na gagawin ang mga bagay na ginawa ko noon.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon