Chapter 59

47.3K 1.9K 234
                                    

Couch




Mabilis akong tumakbo palabas para sana habulin siya. Pero kahit saan ako lumingon ay wala na akong nakitang kahit anong bakas niya. Habol ko ang aking hininga habang paulit-ulit na iginagala ang aking paningin sa buong paligid.

I need his answer. Ang sabi niya ay kakambal siya ni Hugo, pero hindi 'yon ang ipinaparating ng sulat. May kung anong nabuhay sa sistema ko, hindi ko ma-intindihan, kailangang ko siyang maka-usap. Pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang sagot na gusto kong marinig.

Tsaka lamang ako bumalik sa wisyo ng maramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa akin.

"Hey, what happened? Are you ok?"

Pilit niya akong pinapakalma, ramdam ko din ang pag-aalala niya.

"Nakita ko si Hugo...hindi, yung kakambal niya, pero iba ang pakiramdam ko," magulong paliwanag ko kay Hunter.

Hindi ko din ma-intindihan. I want to believe that it's his twin, but because of the letter...may parte sa akin na gustong ipilit na si Hugo siya kahit impossible.

"Baby, he's already gone," marahang paalala niya sa akin bago niya ako hinila at niyakap ng mahigpit.

My mind is a bit clouded by that encounter. Muli kaming pumasok sa coffee shop na pinanggalingan ko. Pina-upo ako ni Hunter at siya na ang umorder para sa amin. Nagtake-out lang kami at sa sasakyan na 'yon kakainin.

"Here, drink your frappe first," abot niya sa akin ng frappe, siya na din ang naglagay ng straw no'n, iinumin ko na lang.

"Thank you," marahang sabi ko at ikinulong 'yon sa magkabilang palad ko hanggang sa magmanhid ang mga ito dahil sa lamig.

"Gusto mo bang bukas na tayo pumunta sa Malolos? Ihatid na kita pauwi para makapagpahinga?"

Marahan akong umiling, sumipsip ako ng kaonti, ang tamis at lamig na dala no'n ay nakatulong para mas lalo akong bumalik sa wisyo, at kumalma kahit papaano.

"Puno na ang schedule ko..." sabi ko sa kanya.

Binuklat ko pa ang planner ko at ipinakita 'yon kay Hunter. Bumaba ang tingin niya sa notebook ko, bumaba din ang tingin ko doon. Napanguso ako nang maalala kong pink ang designs sa loob at masyadong pangbata sa edad ko.

"Is that planner yours? Or kay Hartemis?" seryosong tanong niya sa akin na pilit itinatago ang ngisi.

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko napigilang abutin ang braso niya at marahang hampasin 'yon.

"Mine, of course..." giit ko na ikinatawa na niya.

Kinuha ni Hunter ang planner ko sa kamay ko, hindi ko pa sana ibibigay sa kanya pero masyado siyang mapilit. He silently scans all my appointments. I allowed him to do that while I'm busy sipping my java chips frappe.

"There's something wrong with this..."

"Huh? May nakalimutan ba ako?'

Nanatiling nakakunot ang noo niya habang binabasa ang mga naka-schedule kong appointments. Kinuha niya ang maliit na ballpen na kasama ng planner, sandaling nagtagal ang tingin niya sa ballpen kong may bear sa itaas.

"It comes with the planner..." depensa ko.

Imbes na magsalita at ngumiti na lang siya at tumango. Mas lalong lumiit ang ballpen na 'yon ng hawakan ni Hunter, para bang ako na ang nahihirapan sa hawak niya dahil sa laki ng kamay niya.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon