Chapter 36

65.1K 2.7K 2K
                                    

Rome








"Ahtisia...Please," paki-usap niya.

Hindi ako nakinig, naging matigas ako. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit at pagkamuhi sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ulit ni Daddy. Ramdam sa boses niya ang labis na pagtataka.

Humigpit ang yakap ko kay Hartemis. Kahit ang baby ko ay halatang naguguluhan na din sa mga nangyayari, panay ang lingon niya sa likod. Nagtataka kung bakit may nakaluhod.

"Daddy, please po...paalisin niyo na po 'yan," paki-usap ko sa kanya. Ni ang banggitin nga ang pangalan niya ay nag-aalangan pa ako.

"Hunter, tumayo ka na diyan...mag-usap tayo," seryosong sabi ni Daddy sa kanya.

Hindi na kami nagtagal pa doon ni Hartemis, dumiretso ako papasok sa apartment namin at kaagad na nagkulong. Bumuhos ang kanina ko pang pinipigilang luha pagkasara na pagkasara ko ng pintuan.

Nakita 'yon ni Hartemis, kahit kaharap ko lang siya ay halos manlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

"I'm sorry...I'm sorry..." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Pakiramdam ko ay pinagkakait ko sa kanya ang isang bagay na matagal niya ng deserve, ang makilala ang Daddy niya. But the pain is not bearable, sobrang sakit pa din sa tuwing iniisip ko ang mga naranasan namin.

"Not now, Baby...Not now," umiiyak na sabi ko sa kanya.

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa. Dahil sa mga hikbi at pag-iyak ko ay dahan dahang sumibi si Hartemis, hindi nagtagal ay sinabayan na niya ako sa pag-iyak.

"Ahtisia..." patuloy na pagkatok pa din ni Hunter mula sa labas.

Looks like narinig na din nila ang iyak ng baby ko.

"Umalis ka na!" sigaw ko. Kahit paos ay nagawa ko pa ding sigawan siya.

"Hunter, umuwi ka na...ako na ang bahala dito," rinig kong sabi ni Daddy.

"Umuwi na kayo. Hayaan niyo muna si Ahtisia..." segunda ni Kuya Will sa kanilang dalawa.

Lumayo kaming dalawa ni Hartemis sa may pintuan para hindi na marinig ang mga pinag-uusapan nila.

Umiyak na siya ng tuluyan kaya naman pitli kong pinakalma ang sarili ko para aluin ang baby ko. Siguro ay ramdam niya ang tension sa paligid.

"Shhh...mommy's here. I'm here, Hartemis. Hindi kita ibibigay sa kanya," paninigurado ko sa kanya.

The point is, takot din ako. Isa 'to sa kinakatakutan ko. I have no power over them, mas financially stable si Hunter, mas may capabilities siya para palakihin at alagaan si Hartemis dahil sa pagiging Jimenez niya.

What if bigla niyang ilaban ang karapatan niya kay Hartemis? Anong laban ko?

Mahigpit kong niyakap si Hartemis buong gabi. Tahimik na sila sa labas, pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok.

Ang kapal naman ng mukha ni Hunter kung subukan niyang kuhanin sa akin si Hartemis. I'll do everything para hindi kami magkalayo ng baby ko.

"Bakit ngayon lang?" tanong ko habang nakatingin sa natutulog na si Hartemis.

Habang lumalaki siya ay mas nakikita sa features niya ang pagiging Jimenez niya. Kung nandito si Hermes ay siguradong ganoon din.

"Bakit ngayon lang? Ayos na tayo e. Ayos na tayo di ba..." paghingi ko ng simpatya kay Hartemis.

Hindi ko na nalabanan pa ang antok kaya naman nakatulog na din ako. Gising na si Hartemis ng magising ako kinaumagahan. She's cooing and plays with her hands and feet while patiently waiting for me to wake up.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon