D.V.V
Hindi nawala ang titig ko kay Hunter. Halos manghina ako nang makita ko kung paano tumagal ang titig niya kay Hartemis kahit pa naka talikod ito sa kanya. Para bang may kung anong saya ang naramdaman ko para sa baby ko dahil ibinigay niya 'yon sa baby ko...sa anak niya.
Pero hindi din naman natuloy ang sayang 'yon nang ma-realize kong walang kwenta ang tingin na 'yon. Hindi ganoon ang deserve ng baby ko...hindi lang ganoon.
Napakurap si Hunter ng gumalaw ako para patahanin si Hartemis. Looks like she's irritated. Hindi naman sita ganoon kanina nang pumasok kami. Baka may na-sense siya na hindi magadang vibe kaya biglang umiyak.
"Akin na siya..." marahang sabi ni Hugo na ikinagulat ko.
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Ngayon lang sila nagkita ni Hartemis, baka kung kuhanin niya ay mas lalo itong umiyak dahil naninibago pa din sa kanya.
Marahan niyang kinuha sa akin si Hartemis, sumama naman kaagad ang baby ko.
"Shh...I'm here, I'm here," malambing na pagka-usap niya dito.
Niyakap niya si Hartemis, at kagaya ng ginawa ko ay itinago niya para hindi ipakita sa mga nasa harapan namin.
"I really admire boys your age na marunong tumanggap ng responsibilidad...knows how to handle a family," puri ng kausap ni Hugo sa kanya.
Sa hindi malamang dahilan ay muling bumalik ang tingin ko kay Hunter. Heard that, Hundson?
Hindi nakapagsalita si Hugo, masyado siyang focus kay Hartemis na para bang hind inga ata niya na rinig yung compliment sa kanya.
"Hindi lahat kayang harapin 'yan. Yung iba tumalikod sa responsibilidad...mga duwag ang ganoong klaseng lalaki. If I know someone...I won't do business with them. Hindi nga nila napanindigan ang pamilya nila...ang Negosyo pa kaya?" giit pa din ng lalaki.
Nag-iwas na lang ako ng tingin sa isa pa naming kaharap, masyado na atang manhid ang isang 'to. Hindi na ata tinatamblan ng mga ganoong klaseng salita.
"I really want to talk and spend some time with you, Sir. But we need to attend for our daughters need...Please, excuse us."
Nagpaalam kaagad si Hugo sa mga 'to. Hindi naman kami nahirapan dahil sumangayon kaagad ang kausap niya.
"Go on. Minsan lang ganyan ka-liit ang mga bata. Spend time with them hanggang sa they need your attention, pag lumaki na 'yan...you'll gonna miss this version of them," sabi pa din nito kaya naman I was so surprised, may na-bulls eye kasi siyang isa diyan.
Matamis akong ngumiti at hinarap si Hartemis na kalmado na ngayon habang karga ni Hugo. Marahan kong hinaplos ang likod niya. Napatahan siya ni Hugo kahit ngayon pa lang sila nagkita. Masaya at may kirot akong naramdaman...maybe, my baby is really longing for a father.
Sinamaan ko ng tingin si Hunter na tahimik pa ding nakatingin sa likod ng baby ko. Para bang he was eager to see her face. Napansin niya ang pagtingin ko sa kanya kaya naman ng magtagpo ang mga tingin namin ay agad ko siyang inirapan.
Umalis kami doon ng hindi niya nakita ang mukha ng baby ko. He doesn't deserve it. Nawalan siya ng karapatan sa mga baby ko the moment he disowned them.
"Gusto niya ako...tumahan siya," nakangiting pagbibida ni Hugo habang naglalakad kami balik sa sasakyan niya.
Halos tumingkayad ako para lang ma-abot si Hartemis na karga niya.

BINABASA MO ANG
A Dream that never came (Sequel #4)
RomanceI was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest.