Chapter 45

60.7K 2.5K 879
                                    

Malolos




Halos ayaw humiwalay sa amin ni Mr. Vergara, inimbita pa niya kaming mag-dinner sa labas kahit may kung ano sa pakiramdam ko na dapat hindi ako pumayag.

Ang sabi ko, gusto ko lang malaman ang totoo...na hindi naman ako humihingi ng kahit ano mula sa kanya, atensyon, ang pagkilala, o kahit ang pagmamahal bilang isang ama. Gusto ko lang talagang malaman kung sino ba talaga ako. Gusto kong mapatunayan na hindi ako putok sa buho.

"Ang lalim ng iniisip mo," bulong sa akin ni Hunter.

Abala si Mr. Vergara sa pag-order ng pagkain para sa amin. Nang magtanong kasi siya kung anong gusto namin ay hinyaan na namin na siya ang pumili. Paboritong restaurant daw kasi niya 'to.

Nilingon ko si Hunter, nakita ko kaagad ang pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Imbes na sumagot ay ibinigay ko na lang ang buong atensyon ko kay Hartemis na sobrang kumportable sa hawak ng Daddy niya.

"Naliligo ka nanaman ng laway," malambing na bulong ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

Nakasandal ang pisngi niya sa braso ng Daddy niya, mas malaki pa nga ata 'yon sa kanya. Halos mapanguso ako ng dahil sa paghalik ko sa baby ko ay napalapit din ako dito. Simula noong nasa college pa kami ni Hunter ay iba na talaga ang epekto ng braso niya sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero ang lakas ng dating.

Parang ang sarap yumakap doon, pero hindi ko 'yon gagawin...kahit kailan. Dahil hindi naman nagyayakapan ang mabuting magkaibigan.

Mas lalong tumulis ang nguso ko ng makipag-usap sa akin si Hartemis, para bang may sinasabi...parang nang-iinggit. Imbes na sagutin ko pa ay marahan kong pinisil ang ilong niya, tumawa siya dahil doon bago nagtago sa dibdib ng Daddy niya.

"Baka may iba pa kayong gusto...orderin natin ang lahat," sabi ni Mr. Vergara.

Kita ko ang saya sa mukha niya. Sobrang gaan sa dibdib sa tuwing nakikita kong pinagmamasdan niya ako. Ramdam ko ang pagtanggap niya sa akin bilang anak niya.

Walang pagdadalawang isip, walang pagdududa sa naging resulta.

Marami siyang tanong sa akin, simula pagkabata ko. Sinagot ko naman ang lahat ng 'yon dahil ramdam kong gusto talaga niya akong makilala.

Dumating na ang pagkain namin, halos mapuno ang mahabang lamesa. Nagkatinginan na lang kami ni Hunter.

"Anong plano mo sa anak ko, Mr. Jimenez?" seryosong tanong niya out of nowhere na ikinagulat ko.

Nakita kong hindi man lang nagulat si Hunter, ni hindi nga siya gumalaw mula sa kinauupuan niya. Kalmado pa din habang nakakandong sa kanya ang baby namin.

"Marami po..." sagot niya dito kaya naman napa-awang ang labi ko.

Anong marami?

"Katulad ng?"

Mula kay Mr. Vergara ay nilingon niya ako, gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko na nagawa.

"Kasal po kung papalarin," sagot niya kay Mr. Vergara pero ang tingin niya ay nasa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.

"That's good. Ang mahalaga nalaman kong may plano ka para sa anak at apo ko."

Hindi ako umimik tungkol sa sinabi niya. Hindi ko din alam kung kailangan ko pang ipaalam kay Mr. Vergara ang masakit na parte naming 'yong ni Hunter. Pero hindi ko itatago ang tungkol kay Hermes.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon