Chapter 52

38.6K 2K 352
                                    

Time




Bigla akong nataranta dahil sa narinig ko. Ni hindi na ako makapag-isip pa ng mabuti, parang gusto ko na kaagad mapunta kung saan man ang lugar na 'yon.

"Teka, Ahtisia...malaki ang posibilidad na patibong lang 'to," paliwanag sa akin ni Castel.

Hinawakan niya ako sa braso, mukhang nahalata niyang hindi ko din alam kung anong una kong gagawin. Ang umalis na ngayon din mismo, o ang umakyat muna sa taas. Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos.

"Gusto kong makita...kahit malaki din ang posibilidad na patibong nga 'to, na hindi nga 'yon si Hermes. Na hindi siya ang baby ko," umiiyak na sumbong ko kay Castel.

Kita man ang pagdisgusto niya sa plano ko ay mariin na lamang siyang napapikit at napatango.

"Naiintindihan kita. Kasi kung ako din ang nasa katayuan mo...I will surely take any little chance...for my kids."

Nabawasan kahit papaano ang pagkatarantang nararamdaman ko dahil sa ipinakitang suporta ni Castellana sa akin.

"But we need to prepare, hindi basta-basta ang gagawin natin. Masyado 'tong delikado, at mapapagalitan ako ni Tadeo," sabi pa niya bago niya nilingon si Amaryllis na tipid na ngumiti.

Yung ngiting hindi ko alam kung kabado din ba siya o iniisip din niyang mapapagalitan siya ni Piero.

"Pwede namang ako na lang ang pumunta doon. Ayokong madamay pa kayo dito," sabi ko sa kanila.

Ang totoo ay kahit kampante ako na makakasama ko sila ay nandoon pa din yung hiyang nararamdaman ko. Sino ba ako para tulungan niya? Simula naman noon ay alam kong hindi ka tutulungan ng isang tao kung wala siyang kailangan o pakinabang sa'yo.

Siguro nga masyadong baluktot ang thinking ko sa parting 'yon, pero anong magagawa ko? 'yon ang naranasan ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Hahayaan ba naman naming 'yon? Pamilya tayo dito, Ahtisia. Yung ibang tao nga tinutulungan namin...ikaw pa kayang asawa ni Hunter?" sabi pa ni Castellana.

Pumintig ang tenga ko sa huli niyang sinabi, pero mas na-appreciate ko yung una. Ako? Parte ng pamilya nila?

Biglang nanlabo ang aking paningin dahil sa mas lalong pag-iyak.

"Baka kasi mapahamak din kayo...baka madamay din kayo," natatakot na sabi ko.

I don't know what to do if may mangyaring masama sa kanila. Siguradong ako ang masisi sa huli dahil ako ang nagpumilit na pumunta sa laguna.

"Wag kang mag-alala...may superpowers kaya si Castellana," sabi pa ni Amaryllis sa akin para pagaanin ang loob ko.

Nilingon ko si Castel, ngumiti siya at tumango na para bang totoo nga at kailangan kong maniwala.

"Lumilipad nga 'yan sa ere, at tumatagos lang sa kanya ang bala," sabi pa ni Amaryllis.

Seryoso pa silang dalawa nung una, hanggang sa natawa si Castel at pabiro siyang hinampas sa braso.

"Exagerated na, hindi na maniniwala si Ahtisia. Dumadaplis lang..." sabi pa niya bago siya napahalakhak.

Napanguso ako habang pinapakinggan silang dalawa, natataranta na nga ako, ngayon ay naguguluhan na din dahil sa mga pinagsasabi nila.

Nagpaalam ako sandali sa kanila, umakyat ako para puntahan si Hartemis.

Nag-ingay kaagad siya pagpasok ko sa aming kwarto. Lumaki ang mga hakbang ko palapit sa kama nang makita kong nakadapa na siya sa gitna nito, nakatayo pa ang mga buhok dahil sa pagkakahiga niya.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon