Chapter 25

53.1K 2.2K 2.3K
                                    

Angel








Halos patalon akong yumakap kay Daddy nang maglahad siya ng kamay. Natawa kaming dalawa dahil hindi ko siya nayakap nang mabuti dahil sa umbok ng tiyan ko.

"Lumabas na ang result?" tanong ng kararating lang na si Mommy.

Humiwalay kaagad ako ng yakap kay Daddy para salubungin si Mommy.

"May Engineer na tayo," sabi ni Daddy sa kanya.

Nagtaas ng kilay si Mommy. Kinuha niya ang Ipad na hawak ni Daddy.

"Board passer lang? Hindi topnotcher?" dismayadong tanong niya.

"Atheena," madiing suway ni Daddy sa kanya.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko, para bang wala akong karapatang maging masaya sa achievement na nakuha ko dahil hindi sapat 'yon para kay Mommy. Kulang pa rin.

"We should celebrate," nakangiting sabi ni Daddy para ibalik yung dating saya na nawala dahil sa sinabi ni Mommy.

"Celebrate," mapanuyang sabi ni Mommy at napa-iling na lang.

Hindi siya pinansin ni Daddy, kaagad niyang sinabi sa akin ang plano niyang celebration para sa pagiging Engineer ko.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng ako na lang mag-isa sa kwarto ko, tahimik na ang buong bahay. Halos tulog na ang lahat, hindi ako makatulog, hindi pa din ako makapaniwala na ito na yung pangarap ko...this is my dream.

Dreams do come true.

"Proud ba kayo kay Mommy?" tanong ko sa mga baby ko. Marahan kong hinaplos ang sinapupunan ko. Ramdam ko...alam kong masaya din sila.

Sa sandaling pananahimik na 'yon...muli ko siyang naalala, sa tagal ng hindi siya sumagi sa isip ko, naalala ko ulit siya ngayon.

"Engineer na ako...Engineer na din ako," sabi ko sa kawalan. Gusto kong makarating 'yon kay Hunter. Gusto kong malaman niyang naabot ko yung pangarap ko...na kaya ko din.

Tipid akong napangiti ng maramdaman ko nanaman yung kirot na hindi na dapat. Wala na dapat, Ahtisia. Hindi ka na dapat masaktan, ang mahalaga ngayon...kami ng mga baby ko.

Natawa na lang ako dahil sa pagiging emosyonal nanaman.

"Hindi malungkot si Mommy ha. Wag kayong malungkot diyan...hindi malungkot si Mommy," pagka-usap ko sa kanilang dalawa.

Iwas na iwas din talaga ako na makaramdam ng kung anong pwedeng maka-apekto sa kanilang dalawa. Gusto kong maging healthy sila, ipinapangako kong ibibigay ko ang lahat ng kakailanganin nila, hindi ako mapapagod na iparamdam sa kanilang dalawa na sapat ng ako lang ang nandito, na hindi namin kailangan si Hunter.

"Mommy..." tawag ko sa kanya isang araw.

Napag-uusapan na din nil ani Daddy kung kailan kami uuwi sa Sta. Maria. Ayaw din kasi ni Mommy na malaman ni Lolo ang tungkol sa pagbubuntis ko, ayaw niyang may masabi nanaman si Lolo sa kanya. Kung mayroon mang kinakatakutan si Mommy...Si Lolo 'yon.

Hinarap niya ako, pero ang kanyang buong atensyon ay nasa hawak na phone.

"Busy ka po?"

"Oo. Tinatanong pa ba 'yan?"

Napanguso ako. "Magpapasama lang po sana ako na mag-shopping para sa mga gamit ng twins. Hindi ko pa po kasi alam kung ano yung mga kailangan..." sabi ko sa kanya.

It's my first time to be a mom. Wala pa akong ideya sa mga dapat gawin, hindi naman lahat ay mababasa ko sa libro. I also need her assistance dahil naranasan na niya. I need her help; I need her to guide me.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon