CHAPTER 010 - Champorado At Tuyo

658 21 5
                                    




           "SINO-SINO NGA ULIT SA MGA KUYA MO ANG MAY TATTOO?" tanong ni Trini nang nasa daan na sila patungong Asteria. Tatlong oras mahigit ang biyahe patungo roon at kalalabas pa lang nila sa boundary ng Ramirez patungo sa kasunod na bayan. Gamit ni Gene ang truck nito at nasa front seat siya like usual.

              "Lance has the most numbers," Gene answered. His eyes focused on the road. "Gusto nga yatang punuin ang katawan, eh."

              Napalabi siya. "Bagay naman kay Lance, ah? Pero noong huling kita ko sa kaniya ay sa kaliwang braso pa lang siya may tattoo. Dinagdagan ba niya?"

             "He added more." Binagalang ni Gene ang pagmamaneho nang may lumabas na trayk mula sa sangang-daan. "Siguradong ngayon ay napuno na ang kalahati ng katawan niya."

             "Where is he, anyway? Mas madalang pa siyang umuwi sa Asteria kaysa sa'yo."

             "Parang hindi ka naman nasanay sa kaniya. Silang apat nina Sacred, Sage, at Viren ang madalas na hindi nakauuwi sa Asteria. He's probably working as we speak. He's always busy; if not with clients, with women."

              Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Lagi ninyong itinuturo si Cerlance na pinaka-babaero sa inyong magkakapatid, pero kung susumahin ay pare-pareho lang naman kayo ng tally. Si Kuya Phill nga lang yata ang hindi babaero sa inyong labingdalawa, eh. Swerte ni Calley."

             Napangisi si Gene. "You know why we dubbed Cerlance as the most womanizer amongst us all. Doble-dobleng babae ang dinadala sa kama-- before, that is. Hindi ko lang alam kung ano ang diskarte niya ngayon."

           "You can't blame him. Isa siya sa may pinaka-malakas ang appeal sa inyong lahat. I would say... siya, si Tau-Tau, at si Lee."

            "Based on your opinion."

            "Yeah, based on my opinion— a woman's opinion." Hinarap niya ito. "Sa isang tingin ay parang pare-pareho lang kayong magkakapatid. Lahat ay magandang lalaki, may magandang pangangatawan, matatangkad, at may personality. However, if I were to describe the differences of each and everyone of you, I would say... Kuya Aris has the most handsome face, pang-magazine cover. Kuya Phill and Lee are the most charismatic because they both have this kind aura surrounding them. I'd say... Leonne is the sexiest. Like OMG, walo ba ang abs niya? Si Kuya Quaro naman... I think he has the sexiest smile. 'Yon nga lang, madalang mag-smile, laging nakasimangot. Then, Cerlance and Taurence are what I would call... the most popular kasi sila ang may pinaka-malakas na appeal."

           "How about me?"

           "Who you?"

           "Come on... Describe me. Don't hurt my feelings by keeping me out."

           She chuckled at Gene's dramatics. "Naumay ako sa pagmumukha mo kaya hindi ko masabi kung gwapo o sexy ka. Doon na lang kita ilalagay sa mabait. Yep. Mabait ka."

           Mangha siya nitong nilingon. "I hate you."

           "You didn't mean that."

            Nagkunwari itong nagtatampo nang ibalik nito ang tingin sa daan.

            Nagpatuloy siya. "Iyong sina Viren, Sacred at Sage naman... hindi ko rin masabi. Laging missing in action, eh. When was the last time I've seen them? Five, seven years ago?"

           "Yeah, that long." Nag-overtake na si Gene sa trayk na nasa unahan nang makitang bakante ang kalye. Binilisan nito ang pagpapatakbo upang maka-distansya.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now