CHAPTER 105 - Back At Her

377 18 6
                                    







            "TRIN..."

            Napasinghap siya nang marinig ang pagtawag ni Jerome sa likuran niya. She felt like she was drowning and there was a hand that pulled her back to the surface. Atubili niyang inalis ang tingin sa masakit na tanawin at nilingon si Jerome.

            "Do you want to leave?" he asked, careful with his words.

            "W-Why?" aniya. Alam ni Jerome ang damdamin niya kaya sigurado siyang alam nito na sa mga sandaling iyon ay nadudurog ang puso niya sa nakikita.

            "You don't want to be here witnessing that scene, do you?" he asked, gesturing in Gene's direction.

            "I—I don't mind..." bulong niya saka muling nilingon ang kinaroroonan nina Gene at Chona.

            Yes, he was with Chona.

            The woman successfully crawled her way to Gene's life.

            Good for her. Good for Gene...

            "Are you sure? Hindi tumutugma ang sagot mo sa ekspresyong nakikita ko sa mukha mo."

"I-It's fine, Jerome. Narito na tayo kaya... manatili na lang tayo rito."

Matagal bago sumagot si Jerome. "Okay. Do you wanna get a seat then?"

Tumango siya at akma na sanang iaalis ang tingin sa nakikita nang makita niya ang banayad na paghihiwalay nina Gene at Chona. Si Gene ay nakangiting tumayo saka inilapag ang hawak na bote ng beer sa counter top bago masuyong yumuko upang muling dampian ng halik sa pisngi si Chona na sa mga sandaling iyon ay parang sawang naka-kapit sa braso ni Gene.

Ilang sandali pa'y nakita niya ang pagbulong ni Gene kay Chona kasunod ang pag-alis ni Chona ng kamay nito sa braso ni Gene.

Bahagya na niyang narinig ang paglapit ng staff na kausap ni Jerome kanina sa entry ng restaurant at ang pag-giya nito sa kanila sa bakanteng mesa. Pero hindi niya magawang kumilos sa kinatatayuan, lalo nang makita niya ang pag-alis ni Gene sa counter at ang paghakbang nito patungo sa sulok ng restaurant— direksyon patungo sa restroom.

At bago pa niya napigilan ang sarili ay napahakbang na siya roon pasunod.

Damn it.

Hindi niya alam kung ano itong ginagawa niya, but she couldn't stop herself.

She a safe distance between them. May mga nakakasalubong siyang mga guests ng restaurant na nanggagaling sa restroom pero tila hindi niya

nakikita ang mukha ng mga ito. She was focusing on Gene who was walking a few meters in front of her.

            Napatitig siya sa malapad na likod nito.

            He wasn't wearing his usual get-up. Ngayong gabi ay tanging gray na T-shirt at itim na pantalon lang ang suot nito. On his feet was a pair of black boots. He also had cut his hair short—which was normal to him, pero hindi niya alam kung bakit kay aliwalas ng mukha ni Gene ngayon.

            Or maybe her life was just too dark at the moment? Na ang tingin niya sa ibang tao ay nabubuhay ng masaya at maaliwalas?

Nonetheless, Gene looked happy. He looked... perfectly alright.

            At hindi niya napigilan ang pagragasa ng labis na lungkot sa kaniyang dibdib.

            Kaagad na naka-usad si Gene. Kaagad na nakabawi. She was probably not that relevant to him.  

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon