CHAPTER 013 - Her Best Friend, Her Hero

546 21 0
                                    







           MALUHA-LUHANG sinulyapan ni Trini ang cellphone upang tingnan kung tumawag na si Gene. Ang huling sabi nito'y nasa sasakyan na ito papunta sa kinaroroonan niya, at muli na lang tatawag kapag nakarating na.

           The restaurant was full and there were customers coming in and out of the restroom. Sa loob ng unisex restroom ay may apat na cubicle, at nasa pinakadulo siya. Ilang beses nang may kumatok doon; sometimes a man, sometimes a woman. At gusto niyang humingi ng assistance sa mga ito, pero nag-aalala siya at nahihiya.

           Bumabalik sa isip niya ang nangyari noong araw na una siyang dinatnan. She asked for the help of the two senior students who were at the lavatory doing their make up. Sinabi niyang kailangan niya ng pads at kung maaari'y makahiram na rin ng skirt. Pinagtawanan siya nito, lalo nang pumasok ang apat sa mga ka-klase nila ni Gene at sinabi sa mga itong kagagaling lang niya sa locker room ng soccer team at na umamin siya ng nararamdaman kay Jerome Sison. Hindi niya alam na ang isa sa mga senior students na iyon ay may gusto rin kay Jerome, at nang marinig ang ginawa niya'y pinagtawanan at tinuya siya nito.

           That day was a nightmare—she would never forget it.

           Kahit pa hindi na ulit nangyari iyon... at kahit na hindi na siya muling binully ng mga babaeng iyon ay hindi pa rin siya naging komportable. She never used that restroom ever again either. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Gene at hindi na nagtuluy-tuloy ang bullying. Inakala pa man din niyang kakalat ang tsika at tuloy-tuloy siyang ibu-bully ng mga ito hanggang sa matapos ang school year. Pero sa sumunod na mga araw, kapag nakakasalubong niya ang dalawang senior students na iyon ay ang mga ito mismo ang umiwas. Kahit ang apat na mga ka-klase nilang tumulong sa pagtuya sa kaniya nang araw na iyon ay hindi na kumibo.

           And she knew Gene had something to do with it. Pero dahil ayaw na rin niyang pag-usapan pa nila ng kaibigan ang nangyari noong araw na iyon ay hindi na siya nagtanong.

           A few months later, Jerome graduated from high school and she moved on. Naging normal na rin ang lahat.

           Pero ngayon... Ngayon ay nanginginig siyang isipin na muli siyang mapapahiya, at baka pagtawnan siya ng kung sino man ang hingan niya ng tulong doon sa restaurant. She trusted no one anymore, and she could only trust one person.

           Just one person.

           And that was her best friend.

            Inalis niya ang tingin mula sa cellphone saka sumilip sa toilet bowl. She was sitting on it as she waited for help to arrive. Hinubad niya ang dress at ini-sabit sa hook na nasa likuran ng pinto at itinapon ang namantsahan niyang panloob sa trashbin. She was getting cold already—sobrang lamig sa loob ng banyo ng restaurant na iyon.

           Mabuti at five-star restaurant ang kinaroroonan niya at malinis ang banyo. Kung hindi'y hindi niya iisiping maupo roon sa bowl habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan.

           Napahinto siya sa iniisip at biglang napa-igtad nang marinig ang pag-ding ng cellphone niya. A new message came in. Itinaas niya ang cellphone upang tingnan kung sino ang tumatawag, at nang makita ang pangalan ni Deewee sa screen ay napabuntong-hininga siya.

           Hindi matutuloy ang date nila ni Deewee dahil nagkaroon ng aksidente sa highway na daraanan nito patungong Ramirez. Nanggaling pa ito sa Maynila at bumiyahe ng dalawang oras para marating ang lugar na pinag-usapan nila, subalit nasa kalagitnaan pa lang ito ng biyahe nang biglang nagkaroon ng aberya sa daan. There was a long traffic at ayon dito'y baka abuting ng dalawa o tatlong oras bago umusad ang trapiko. Nagsabi siyang magkita na lang sila kinabukasan, at humingi ito ng dispensa. She only waited for twenty minutes and had not ordered anything yet; pumunta muna siya sa banyo upang ayusin ang sarili bago umalis ng restaurant nang doon ay nakita niya ang pulang mansta sa suot na yellow dress.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now