CHAPTER 124 - Can't Take Eyes Off Him (EXCERPT)

587 17 4
                                    




He was half-naked, wearing only a pair of sleeping pants.

Sleeping pants tulad ng suot niya sa mga sandaling iyon.

Dalawa lang ang ibig sabihin kaya roon sa sala natulog si Gene.

Una ay baka nanatiling stock room ang isang kwarto.

Pangalawa ay baka sadya itong natulog doon upang bantayan ang pag-alis niya.

But why would he do that? Balak kaya siya nitong pigilan na umalis?

Keep dreaming, Trinity... She couldn't help but mock herself.

Ibinalik niya ang tingin sa hubad na dibdib ni Gene.

Oh, she yearned to touch his skin again. To be in his arms again. To be loved by him.

Pero alam niyang hanggang doon na lang siya.

Hanggang pantasya na lang. Hanggang pangungulila.

Dahil kung ang pagbabasehan niya ay ang mga salitang binitiwan nito sa kaniya kagabi at ang paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya, may palagay siyang kahit maghubad siya sa harapan nito'y hindi na siya nito papatusin.

It's fine... she whispered in her head. As long as things go according to my plan, I will be fine.

At pinagbigyan niya ang sariling suyurin ito ng tingin nang matagal dahil alam niyang iyon na ang huli. Because... after moving to Mindoro, she would never go back again. At hindi na niya ito makikita pa.

Kaya ito na ang huli.

Huling pagkakataon niyang makasama ito, makita, mapagmasdan nang matagal.

Kaya pagbibigyan niya ang sarili.

At dahil nais niyang pagbigyan ang sarili sa huling pagkakataon ay nagpadaig siya sa sulsol ng kaniyang puso. Hinayaan niyang kontrolin siya ng kaniyang damdamin sa mga sandaling iyon.

Kaya bago pa siya takasan ng lakas ng loob ay humakbang na siya palapit sa sala. Tila may sariling buhay ang kaniyang mga paa at nagtuluy-tuloy ang mga iyon hanggang sa makalapit siya sa kinahihigaan ni Gene. Pagkalapit ay kusang bumagsak ang mga bitbit niya sa carpet, making no sound at all.

Nang bumagsak ang mga bitbit niya'y unti-unti siyang naupo sa carpet, mermaid-style. Then, she placed her left elbow on the side of the couch (to the tiny space Gene's body didn't cover up), lifted her arm, and laid her chin on her hand. Nangalumbaba siya habang ang tingin ay hindi pa rin humihiwalay sa katawan ni Gene.

Mula sa poste ng ilaw sa labas ay malinaw niyang nakikita ang pinong mga balahibo sa dibdib nito pababa sa pusod at pababa pa. She could see him breathing calmly, which meant he was in deep sleep.

Five minutes... she said to herself. Five minutes lang, at aalis na talaga ako.



FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP - FULL STORY IS NOW POSTED ON VIP -
DM ME FOR DETAILS


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon