CHAPTER 100 - Hopes, Expectations, and Preventions

338 17 0
                                    







"TRINI, ARE YOU READY TO GO?"

Inalis ni Trini ang tingin sa bahay ni Gene at ibinaling kay Jerome na nakatayo na sa tabi ng kotse nito. He was patiently waiting for her after loading her three large luggages into his trunk. Nasa back seat na rin ang dalawang malalaking pet carriers kung saan nakasilid ang mga pusa niya. The house had been locked, and so was the gate. Everything was all set. Siya na lang ang hinihintay, at ilang minuto na siyang naka-tayo sa harap ng bahay niya habang nakatanaw sa katapat na bahay.

Alam niyang walang tao sa kabilang bahay sa mga sandaling iyon. Nag-e-empake sila ni Jerome sa silid niya sa itaas nang marinig niya mula sa nakabukas na bintana ang pagdating ng kotse ni Phillian. Sumilip siya mula sa siwang ng kurtina at nakita niya ang paglabas ni Gene bitbit ang traveling bag nito at ang pagsakay nito sa kotse ni Phill.

            Nauna itong umalis. Na ikinalungkot niya nang labis pero lihim din niyang ipinagpasalamat. Mabuti na ring wala ito roon sa pag-alis niya, dahil baka muli itong lumabas at harangan siya. Muling mangulit hanggang sa hindi na niya ito matiis pa.

            Mabuti na ring wala si Gene roon para magkaroon siya ng pagkakataong tanawin ang bahay nito—na naging bahay na rin niya sa loob ng sampung taon simula nang lumipat sila roon sa Ramirez—bago siya tuluyang umalis at magpakalayo-layo.

            "Are you ready to go?" ulit ni Jerome.

            Tumango siya saka bagsak ang mga balikat na humakbang patungo sa passenger's side. Umikot din doon si Jerome at pinagbuksan siya ng pinto. Umusal siya ng pasasalamat bago sumampa.

            Nasa daan na sila palabas ng subdivision nang magsalitang muli si Jerome. "Alam mo ba kung saan patungo si Gene?"

            Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago sumagot, "I'm not sure, pero baka sumama siya kay Kuys Phill papuntang Contreras. Hindi uuwi si Gene sa Asteria sa ganitong sitwasyon, he didn't want Tita Feli to worry."

            Tumango si Jerome at hindi na sumagot pa.

            Siya naman ay ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana at hinayaan ang isip na maglakbay sa masasayang araw na magkasama sila ni Gene. The memories she had with him were the only thing that kept her standing. Alam niyang magiging mahirap sa kaniya ang susunod na mga buwan— o taon. Pero unti-unti na niyang sinasanay ang sarili niyang hindi na kasama si Gene sa sistema. Unti-unti na niyang tinanggap ang kapalaran niya. She couldn't run away from it. Kung hindi iyon nagawang takasan ng buong pamilya ng mommy niya, sino siya para bigyan ng milagro ng Diyos?

            "Hindi ba at ngayong araw mo rin pupuntahan ang doktorang titingin sa 'yo sa Asteria?"

            Ibinalik niya ang pansin kay Jerome nang marinig ang tanong nito. Diretso itong naka-mata sa daan.

Nang hindi siya sumagot ay muli itong nagsalita. "Gusto mo bang pagkatapos nating marating ang condo ay ihatid na rin kita sa Asteria? I'm planning to visit my parents, anyway. So, might as well come with you."

            "Jerome..." Mangha siyang napatitig dito. "Why are you so kind to me? Kahit alam mong hindi ko matutugunan ang damdamin mo, bakit ganito ka pa rin ka-bait sa akin?"

            Nagkibit-balikat ito, ngumiti. "Maybe because you're the one that got away." Then he turned to her, and his smile widened. "And I'm not wasting the second chance I have with you."

Malalim na paghinga lang ang ini-tugon niya kay Jerome, at nang ibalik nito ang tingin sa daan ay muli naman niyang binalingan ang bintana.

The one that got away... bulong niya sa isip bago nangalumbaba at blangkong itinuon ang pansin sa labas.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now