CHAPTER 019 - Not In Good Terms

563 21 0
                                    


"OH SHOOT, I'M LATE!"

Naalimpungatang nagmulat si Gene nang marinig ang tarantang bulalas ni Trini. Sumalubong sa kaniyang mga mata ang liwanag kaya itinaas niya ang braso upang itakip sa mga iyon.

"What the heck is going on?" aniya. Lumulutang pa ang diwa niya.

"I'm late! And I can't be late dahil mapapagalitan ako ng boss ko! Pang-ilang late ko na ito ngayong buwan!"

Akma niyang sasabihing huminahon ito nang mapa-uklo siya matapos nitong aksidenteng maapakan ang paa niya. Mariin siyang napapikit saka sunud-sunod na nagmura.

"Nasaan na ba ang cellphone ko? Bakit kasi hindi iyon nag-alarm?"

Dalawang beses na tinamaan ang mukha niya ng throw pillow na sa huli niya'y pinagbababato ni Trini upang hanapin ang cellphone.

Naiirita niyang hinablot ang isa sa mga iyon upang itinakip sa mukha. Sanay na siya sa ganitong eksena. Ilang beses nang nangyari ito. Pero napipikon siya dahil kagigising pa nga lang niya'y bugbog-sarado na ang katawan niya. At kailangan niyang takpan ng throw pillow ang mukha para pigilan ang sariling murahin ang kaibigan.

"I'm late for work!"

Lalo siyang napikon nang matisod si Trini sa isa niyang braso. Hindi na siya nakapagpigil pa; inalis niya ang throw pillow na nakatakip sa mukha, nagmulat ng mga mata saka tinapunan ng masamang tingin si Trini na naka-yuko sa couch na tinulugan nito upang hanapin ang cellphone.

Nasa anyo nito ang labis na pagkataranta at nerbyos, kaya naman ni-kalma niya ang sarili at nagpasensya. Ayaw niyang dagdagan ang init ng ulo at taratanta ni Trini.

"Calm down, okay? Lalong hindi mo mahahanap ang hinahanap mo kung ganiyan ka," he said in his gentlest tone. Hindi makatutulong sa kaibigan kung si-sermonan pa niya ito.

"But where is my damned phone!" galit nitong wari, patuloy sa paghahanap.

Umupo siya at ipinatong ang mga braso sa mga tuhod. "Just go and take a bath, ako ang maghahanap at iaabot sa'yo bago ka umalis." Nilingon niya ang coffee table; sa ibaba niyon ay may compartment kung saan niya initago ang cellphone niya kagabi. Inabot niya iyon at kinapa ang cellphone. Nang mahanap ay inilabas niya at sinulyapan ang oras.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka ibinagsak ang sarili sa matress. "It's fifteen minutes past seven o'clock, Trinidad. You are not late."

Natigilan ito; tila naging bato ang katawan.

Hanggang sa unti-unti itong pumihit paharap sa kaniya. Ang anyo ay tila yaong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Then, she dropped herself on the couch. Para itong lantang gulay na nahiga at ipinikit ang mga mata.

"Damn it, Gene. This everyday life is so stressful."

He smirked and closed his eyes. "Sabihin mo 'yan sa mga taong walang trabaho at nakahiga sa kalsada. Sasapakin ka nila, sigurado."

"You don't get my point. Ang ibig kong sabihin ay nakakapagod ang gumising sa umaga at mataranta nang ganoon dahil alam mong i-iskoran ka na naman ng boss mong pinaglihi sa sama ng loob. Pakiramdam ko'y may trauma ako na kung hindi ako makakapasok sa tamang oras ay katapusan ko na. Hindi mo ba napansin nitong nakalipas na mga linggo na sa tuwing nale-late ako ay tarantang-taranta ako? I don't like that feeling, Gene. Na parang gumigising na lang ako sa umaga para hindi mapagalitan; alam mo 'yon?"

"No, hindi ko alam."

"Exactly! Because you know why? You are your own boss. And I want that, too."

Napamulat siya at sinulyapan ito. Doon niya nakitang tulala lang itong nakatitig sa kisame; ang anyo ay seryoso.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now