CHAPTER 122 - Count On Him (EXCERPT)

532 21 15
                                    


"Bakit ba kailangang ako ang abalahin pagdating sa 'yo? I don't care about you nor want anything to do with you anymore! Why can't you just leave me in peace?! Why can't you just disappear for good?"

"You have the option not to come!"

Si Gene naman ang natigilan nang siya ang sumigaw. She was freaking drunk. She was blurring her words, she couldn't even walk straight. Pero kung inaakala nitong nang dahil sa kondisyon niya ay hahayaan niya itong pagsalitaan siya nang ganoon, Gene could think again.

Dahil unang-una, hindi siya ang tumawag dito. Pangalawa, may option itong tumanggi. Wala siyang medical emergency sa pagkakataong ito hindi tulad ng nauna, kaya wala itong kailangang ipag-alala. Kung– at kung– nag-aalala nga ito.

At putangina, kahit nasusuka siya at nahihilo sa mga sandaling iyon ay hindi siya pasusupil dito.

Sa kabila ng hilo ay nagawa pa niya itong tapunan ng masamang tingin.

"Hindi ko alam na tumawag sila, at hindi ko sila inutusan. Had I known, I wouldn't have let them! Kaya kong umuwi mag-isa. Kaya kong matulog sa kalsada!"

Doon ito nakabawi sa gulat. Tinapatan din nito ang anyo niya. "Well, I'm f*cking here now! At hindi pwedeng hindi ako pumunta dahil sa barangay ka nila dadalhin! At kapag nalaman ng barangay na tinawagan ako para ipagbigay alam ang kondisyon mo at pinakiusapang pumunta, ako naman ngayon ang masama? At dahil sa kalasingan mo, paano kung magpumilit ka na namang umalis tulad noong una? At kapag umalis ka at sinundan ng mga lasing na lalaking iyon at may mangyaring masama sa 'yo, ako ang sisisihin ng tao! Sisirain mo ba talaga ang buhay ko? Ang akala ko ba ay hindi ka na magpapakita sa Ramirez? Why are you still here? And why the fuck didn't you throw that ID away?"

"O, heto na, itatapon na!" Galit niyang hinablot ang ID mula rito at tiniklop bago itinapon sa daan. Matapos iyon ay ibinalik niya ang pansin kay Gene at muli itong sininghalan. "There! It's gone! Umalis ka na at pabayaan mo na ako rito!"

"You bet I will!" At ang gago ay tinalikuran nga siya saka binaybay ang kahabaan ng riverside. At dahil malalim na ang gabi ay wala na ring tao sa paligid.

Sinundan niya ito ng tingin. And while she was looking at his back walking away from her, she suddenly felt her throat constrict, and before she knew it, her tears started to stream down her face.

Ilang araw siyang hindi maka-iyak at ngayon lang muling bumuhos ang kaniyang mga luha.

Umiyak siya nang umiyak habang sinusundan ng tingin ang paghakbang nito palayo. Hanggang sa tuluyan itong maglaho sa kaniyang paningin dahil tuluyan nang nanlabo ang kaniyang mga mata sa luha. Her body then started to quiver, her chest became heavy, and her knees began to weaken. Hanggang sa tuluyang bumigay ang kaniyang mga tuhod. Napaupo siya at sumalampak sa kinaroroonan. Sunod ay naitukod niya ang mga kamay sa kalsada, at doon ay naramdaman niya ang ID na ini-itsa niya roon kanina.

Unti-unti siyang tumigil sa pag-iyak at wala sa loob na kinuha ang ID. She sniffed as she tried to fix the PVC card. It was folded in the middle. At habang inaayos niya 'yon ay bumalik sa isip niya ang mga sinabi ni Gene kanina.

"Bakit ba kailangang ako ang abalahin pagdating sa 'yo? I don't care about you nor want anything to do with you anymore! Why can't you just leave me in peace?! Why can't you just disappear for good?!"

Oh, if Gene only knew how painful those words were for her...



FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP - FULL STORY IS NOW POSTED ON VIP -
DM ME FOR DETAILS


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now