CHAPTER 011 - It's Going To Be A Mess

612 22 4
                                    




           "DEEWEE!"

           "Trini!"

           Manghang lumapit si Trini sa nakangiting si Deewee. Saktong pababa siya sa hagdan ng malaking bahay ng pamilya Zodiac nang makitang binuksan ni Phillian ang front door at bumungad si Deewee.

           Free Phillian Zodiac was the second eldest, at isa rin ito sa dalawang mga kapatid ni Gene na may asawa na. He was living in a town three hours away from Asteria; malapit sa dagat. Ito ang best friend noon ni Deewee, at kaya marahil naroon ito ay dahil naimbitahan ni Phill.

"I didn't know you're here!" bulalas ni Deewee; hindi makapaniwalang naroon siya.

Napangiti siya habang nakatitig dito. Deewee used to be chubby and baduy. Maraming tigyawat at may braces sa ngipin noong high school ang mga ito. Pero ngayon ay iba na. Deewee had lost his excess fats; fit na fit na ito at magaling manamit. Dati na itong tisoy, pero lalong naging tisoy sa tagal ng paninirahan nito sa States. Ang pisngi ay namumula nang bahagya na kung wala marahil itong manipis na balbas ay baka mahiya siya sa kinis ng mukha nito. His braces were gone, too. And his smile was incredible. Unang kita niya rito noong unang date nila'y namangha siya na hindi niya napigilang titigan ito nang husto sa loob ng unang limang minuto. And now... as she looked at him smiling from ears to ears upon seeing her, she couldn't help but feel the kilig.

Syete... Kinikilig na ako kay Deewee...

           "Morning, Trini," nakangiting bati ni Phill na umagaw sa pansin niya. Binalingan niya ito at nakita ang malapad din nitong pag-ngiti. As usual, suot-suot na naman nito ang blue and white Hawaiian shirt nito at itim na Khaki shorts; pinaninindigan ang pagiging beach-person.

           Tuluyan na siyang nakababa at sandaling nahinto sa puno ng hagdan. Sina Phill at Deewee ay sabay na naglakad palapit sa kaniya.

"Afternoon, Kuys Phill. Alam kong tanghali na kaya h'wag mo akong ma-goodmo-good morning."

Phill chuckled and said, "Tulog-mantika ka nga raw sabi no'ng isa."

"Ugh! Sasapakin ko talaga 'yong si Gene dahil hindi ako ginising para mag-almusal. Nakakahiya kay Tita Feli, baka sabihin nagpapaka-VIP ako."

Malapad itong ngumiti. "You know how our mother adores you, Trinity, at alam kong alam mong hindi siya mag-iisip ng masama tungkol sa'yo. Isa pa, totoo namang VIP ka sa bahay na ito. You are special to our family. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo ni Gene ay naging pamilya ka na rin namin. So do whatever that pleases you. This is your home, too."

Tinugunan niya ang sinabi ni Phill nang matamis na ngiti. "Thank you, Kuys. Kaya isa ka sa mga favorite ko sa inyong magkakapatid, eh."

Phillian chuckled again. "And just so you know, si Ma ang nagsabing h'wag ka nang gisingin at hayaang magpahinga, tutal naman daw ay may dinaanan kayong fastfood chain papunta rito. Don't worry, it was just a usual breakfast; nothing's new kaya wala kang nakaligtaan."

"Pero hindi ko natikman ang masarap na pritong tapa ni Aling Patty..." nakanguso niyang reklamo.

"Well, I can tell her na maghain ng ganoon para sa iyo ngayong tanghalian."

"You will?"

"Of course, Trinity." Muli siya nitong nginitian na sandaling nagpatanga sa kaniya.

Damn all the Zodiac brothers; may taglay na karisma ang bawat isa. Simpleng ngiti lang ay ikalalaglag na ng mga panty ng mga babaeng makahaharap ng mga ito.

           Buti siya'y sanay na.

           Buong buhay ba naman niya'y kasama niya ang mga ito.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now