CHAPTER 039 - Play The Game

553 23 3
                                    


"SORRY, BUT I DON'T REMEMBER ORDERING SOME DRINKS," ani Deewee nang ilapag ng lady bartender ang baso ng ginger ale sa harap nito.

"Si Sir po ang um-order para sa inyo," sagot ng bartender sabay sulyap kay Gene na naupo na rin sa bakanteng upuan sa tabi ni Trini.

Salubong ang mga kilay na binalingan ni Deewee si Gene. "Why would you get me this, Acky? You know I'm allergic to alcohol, right?"

"Don't stare at me as if I gave you poison. That is just pure ginger ale; you'll be fine because it has no alcohol content." Inilapag muna ni Gene ang baso ng beer sa mesa bago kinuha ang menu mula sa lumapit na waitress. Tinanguan at pinasalamatan din muna nito ang bartender na naghatid ng inumin ni Deewee, and the lady bartender smiled back to Gene before walking away.

Napansin iyon ni Trini na umikot na lang ang mga mata. Trini could tell that the lady bartender just subtly flirted with Gene.

"I appreciate your gesture by getting me a drink, but I would prefer orange juice," sabi pa ni Deewee na hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo. Simula nang malaman nito ang damdamin ni Gene para sa kaibigan ay lagi na nitong sinususpetsahan ang bawat kilos at intensyon ng isa.

"Hindi ka na kindergarten para um-order ng orange juice sa hapunan, Dee," sagot naman ni Gene bago niyuko ang menu book. "And you're man enough to try something new other than that."

Nainsulto si Deewee sa mga sinabi ni Gene kaya hindi na ito pumalag. Si Trini naman ay muling umikot paitaas ang mga mata bago binalingan ang waitress na naghihintay ng order nila. Nakapili na ito ng pagkain kaya kaagad na nakapag-order. Sinabi nito ang mga gusto sa waitress na naghihintay. Deewee did the same; he ordered the safest food; chicken fillet and sauteed vegetables on the side. Ayaw na nitong kumain ng kahit anong soup nang hindi nito alam ang ingredients.

Matapos umalis ng waitress dala-dala ang mga orders nila ay nakangiting binalingan ni Trini si Deewee. "So, Dee. Do you have anything planned for my birthday tomorrow? I mean, you invited me here in the resort, so I would assume you have something special planned?"

Nakangiting hinarap ni Dee ang dalaga. "I'm thinking about something romantic for the night. Maybe we can have dinner at the resort? I mean..." Patagilid nitong sinulyapan si Gene.

"I got it," sabi naman ni Gene. "Gusto mong kayo lang ni Trini. This will probably be the first time she would celebrate her birthday without me beside her, but fine. You can have her tomorrow night for the special dinner. I'll probably just sleep early tomorrow and look forward to coming home. Unless... ayaw ni Trinidad na mapag-isa kasama ka bukas ng gabi?" Ibinaling ni Gene ang tingin sa kaibigan na muling umikot ang mga mata.

"Alam niyo, kayong dalawa, para kayong mga tanga. Ano ba ang nangyayari sa inyo?"

"Tanong mo kay Deewee," sabat pa ni Gene.

"Bakit ako?" sabi naman ni Dee. "Ikaw itong sadya akong iniligaw kaninang umaga para masolo si Trini."

"Hindi ko kasalanang mali ang pinuntahan mong lugar. Alam kong tama ang impormasyong sinabi sayo ng waitress, but you got confused and went to the opposite direction."

"Don't go there, Gene," Deewee uttered while gritting his teeth. "Alam mo kung ano ang ginawa mo."

"You just assumed that I did something because you're embarrassed about what happened during breakfast. For all we know, baka talagang nagtagal ka sa banyo dahil sa biglaang pag-alburoto ng tiyan mo at sinabi mo lang na naligaw ka kaya ang tagal mong nakapunta sa amin?" Gene grinned widely, annoying Deewee all the more. "Come on, Dee, it's all good. Hindi mo kailangang mahiya. Naiintindihan namin ni Trini na mahina ang tolerance mo sa lahat ng bagay-- mapa-alkohol man o pagkain. I wonder how Trini would enjoy life kung ikaw ang makakatuluyan. Mahilig pa man din siyang kumain at uminom."

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now