CHAPTER 106 - No Longer Relevant...

341 13 2
                                    



NAKA-ILANG HILAMOS NA SI TRINI SUBALIT HINDI PA RIN MAALIS-ALIS ang pamumula ng ilong at mugto ng mga mata. She wanted to get rid of these unattractiveness, pero kahit ano ang gawin niya'y walang nangyayari. She had been standing in front of the mirror for a good couple of minutes, washed her face several times already, and she still looked awfull.

Bwisit na bwisit na siya.

Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ang ginawa ni Gene kanina. He totally ignored her as if she was some kind of a stranger.

Ikatutuwa ba niyang hindi na siya nito kinukulit at naka-usad na ito mula sa kaniya tulad ng huling sinabi nito sa telepono?

O ikamamatay niyang lalo dahil ngayon ay alam na niyang hindi siya ganoon ka-halaga rito?

He was able to move on from her that easy! Dalawang buwan pa lang ang nakararaan! At isang buwan pa lang ang nakalilipas nang opisyal itong bumitiw sa relasyon nila.

If she was someone special, it wouldn't be that easy for him to move on.

Damn it. Ano ba talaga ang gusto niya?

Hell. Kahit pala hindi niya ito ipagtabuyan—kapag namatay siya'y kaagad itong makauusad at makahahanap ng iba. He would probably cry for a month of two, pero sigurado na ang pag-usad nito sa ikatlong buwan at muling pakikipagharutan sa ibang babae.

Damn it, she was so worried for nothing.

And damn Gene.

Damn herself, too. Dahil pinlano niya itong lahat at pumapabor sa kaniya ang nangyayari, pero heto siya't marami pa ring reklamo.

Ipinatong niya ang mga kamay sa sink, yumuko, at sunud-sunod na nagmura sa isip. Sunod ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinubukang alisin sa isip ang naganap kanina.

Everything went exactly to her plan. She should be thankful that Gene was able to move on from her this easily. She should be thankful she wouldn't leave him lonely and vulnerable. Ito naman talaga ang gusto niya, kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nagiging reaksyon niya.

Muli siyang nagmulat at sinulyapan ang sarili sa salamin.

Damn, she looked like a witch.

Nagmukha siyang cuarenta sa itsura niya. Ang buhok niya'y parang loka. Ang mukha niya'y basang-basa, ang ilong at mga mata niya'y namamaga sa pag-iyak, ang pisngi niya'y lubog dahil sa pagbagsak ng kaniyang timbang. Ganito siyang nakita ni Gene kanina.

Hell. Nawala na nga ang lahat-lahat ng pag-asa niya sa buhay, pati dignidad ay nawala na rin.

What was left of her was her ugly face and vulnerability.

Shit. Lalong gusto na niyang mamatay.

Yumuko siya, binuksang muli ang gripo, at akmang muling maghihilamos para alisin ang biglang pag-asim ng mukha nang bumukas ang pinto ng banyo. Nalipat ang pansin niya roon; napatitig siya sa babaeng pumasok. Lumingon ito sa lababo upang sana'y sulyapan ang sarili sa salamin habang hinihintay ang pagbakante ng isa sa mga cubicle, subalit nang makita siya nito'y sandali itong nagulat, at nang makabawi'y malapad na ngumiti.

"Well, well, well..." anito bago nakahalukipkip na lumapit. Huminto ito ilang dipa mula sa likuran niya. "Ano ba'ng mayroon sa ating dalawa at laging sa banyo tayo nagkikita, Trinity?"

Humugot siya nang malalim na paghinga. Lalo siyang nakaramdam ng insecurity habang nakatitig sa magandang mukha ni Chona.

F*ck; sana ay nag-lipstick man lang siya.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now