CHAPTER 024 - Life Was Meaningless Without Her

529 24 3
                                    



MAAGANG NAGISING SI TRINI KINABUKASAN. She opened her eyes, stretched her arms up, and stared at the ceiling of the room, wondering where she was. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya napagtantong nasa silid siya ng bago niyang bahay.

It's been a week since she moved in to the house and she's still getting used to it. Sa tuwing gigising siya ay nagtataka siya kung saan siya naroon. Ilang taon din siyang nanirahan sa apartment niya malapit sa bayan at iyon ang lugar na nakasanayan niya.

But she knew she'd get used to it. To this room. She had already paid the full amount and she would be waking up in this room for the rest of her life. She had to get used to it.

And while thinking about it, she remembered Gene.

Gene once said that he was still getting used to this new set-up; her not being there at the breakfast and dinner table. Nasanay itong siya lagi ang kasama sa ganoong mga oras, at nang dumating si Deewee ay hindi na madalas na mangyari iyon. Gene said it wasn't easy to get used to it and that he was still adjusting.

Ganoon din siya ngayon sa bago niyang kwarto.

At nakakapanibago pala. Para siyang nawawala sa gitna ng dilim.

Ibig sabihin ay ganoon din ang nararamdaman ni Gene?

Nang maisip iyon ay mabilis siyang bumangon at hinanap ng tingin ang cellphone. Nakapatong iyon sa bed side table; madali niya iyong hinablot at binuksan. She tried to ring her bestfriend. The phone was ringing on the other side, but Gene wasn't picking it up.

Damn it, bulong niya sa sarili bago tinapos ang call at lumipat sa messaging app. She typed a message:

Call me when you get a chance. I just really wanna hear your voice. Been a while now. Missing you so badly. Xx

She hit send and re-read her message.

Masyado bang clingy ang message niya? Did it sound like she was a girlfriend who was missing her lover? Hindi naman siguro? O medyo?

Umungol siya at ini-itsa ang cellphone sa kama. Hindi ganoon ang mga text messages na pinapadala niya kay Gene, pero alam niyang hindi iyon bibigyan ng ibang kahulugan ng kaibigan.

Tumayo siya at humakbang patungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nagpalit siya ng T-shirt at itim na tattered shorts bago lumabas ng silid. Nasa kabilang silid si Deewee at gusto niya itong ipagluto ng almusal. It was only 6:30AM; may oras pa siyang magluto ng masarap na breakfast.

Maybe Deewee would like pancakes with strawberry or maple syrup and crispy bacon on the side? Tumagal si Deewee sa Canada at baka iyon ang mga nakasanayan nitong almusal. May dalawang kilo siyang orange sa fridge niya; she'd probably squeeze some of them para may fresh juice sila sa mesa. With that in mind, madali siyang bumaba.

Kahit ang hagdan ay nakakapanibago. Hindi pa niya ramdam na bahay niya iyon. Pakiramdam niya ay... nasa bahay siya ni Gene. Dahil nga may pagkakapareho ang interior design pati na ang mga materyales na ginamit sa hagdan.

Pagdating niya sa gitna ng hagdan ay sandali siyang nahinto nang may maamoy na masarap na aroma. Ilang segundo siyang natigilan bago rumehistro sa isip kung ano ang mayroon. Mabilis siyang bumaba at dumiretso sa kusina kung saan niya nakita si Deewee na nakatayo sa harap ng stove at may niluluto.

"Deewee!" gulat niyang wari. Akala pa man din niya'y nasa silid pa ito at tulog.

Deewee looked over his shoulder and gave her a sweet smile. "Morning!"

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now