CHAPTER 063 - Opening Party

458 20 0
                                    


"MASAYA AKO PARA SA 'YO, TRINITY. YOU ARE A BUSINESS WOMAN NOW, hindi ka na magtitiis doon sa dati mong kompanya na hindi ko alam kung ano ang problema pero sa tuwing nagkikita tayo'y walang humpay ang reklamo mo," nakangiting litanya ni Lee Benedict, isa sa mga kapatid ni Gene, nang dumating sa facility nang hapong iyon. Lumapit ito at humalik sa pisngi niya.

Dahil hindi naman biological na magkakapatid ay halos magkaka-edad lang sina Lee Benedict at Leonne. At kasing edad din halos nila ni Gene.

Lee Benedict was the richest yet most humble of the twelve siblings. Oh well, lahat naman ay humble, pero si Lee ang pinaka. Hindi halatang malapit nang maging bilyonaryo. O baka bilyonaryo na, hindi lang siya informed...

And she considered Lee Benedict as the richest because at a young age, he was already a millionaire. Teenager sila nang mag-umpisa itong magnegosyo. He did a buy-and-sell business when he was in high school. Bumibili ito ng mga second hand na kotse at ipaaayos kay Gene na noong mga panahong iyon ay mahilig nang magbusisi ng sasakyan. Kapag naayos ay ibinebenta ni Lee sa mas malaking halaga.

Lee had his ways. He was born to be a businessman. Marunong itong magpaikot ng negosyo. Ngayon, wala na ito sa buy-and-sell business. He now owns a textile business. Other than that, nag-aral din ito ng fashion design at naging isang mananahi. Hindi niya alam kung paano itong nagka-interest sa pagsasastre, pero bumilib siya nang magawang palaguin ni Lee ang dating maliit nitong shop. His textie business was now getting bigger, pero kahit magkaganoon ay napaka-down to Earth pa rin, at personal na itinatahi ang mga wedding gowns ng kliyente nito. He even designed and tailored Kirsten and Calley's wedding gowns!

"You finally left that stupid insurance company, huh?" sabi naman ni Leonne na lumapit din at humalik sa pisngi niya.

Oh, Leonne Zodiac. Tall, hot, brimming. Isa ito sa mga paborito niya sa magkakapatid. Malibang mabait, palakaibigan, at generous, Leonne Zodiac was also one of the most attractive men she had ever seen.

Well, attractive naman lahat ang magkakapatid, pero para sa kaniya, it was always Leonne, Taurence, and Aris who sparkled the most. Leonne had something in him that was so magnetic. Hindi niya alam kung ang ka-sexy-han nito o ang pagiging sociable ang dahilan kaya ikino-konsidera niyang attractive ito. Maybe both. He was a likable person; physically, socially.

Leonne Zodiac was a farmer, at noong nagtapos ito ng kursong agrikultura ay umalis ito sa Asteria at nanirahan nang mag-isa sa ibang bayan-- tulad ng ginawa ng mga nakatatandang kapatid. He bought a huge land using his inheritance, and used it to grow crops. Ngayon ay mas lumawak ang lupaing iyon, at nagbi-venture na rin ito ng sariling produkto. Isa sa mga produktong ginagawa ni Leonne sa farm nito ay ang mango wine at chips.

Pero syempre pa, kahit na paborito niya si Leonne, she only had her eyes set to Genesis now...

"At napili mong i-negosyo ay isang bagay na alam mong mag-i-enjoy ka rin," dagdag pa ni Leonne sa masuyong tinig. Hinawakan siya nito sa magkabilang mga braso at niyuko. "I could already see the happiness in your eyes, and for that reason, I am happy for you."

She was beaming. "Maraming salamat at nakarating kayo. Your attendance meant a lot to me, I feel supported."

"Kami lang ang makararating," ani Lee. "We were on our way when Aris called and said he couldn't come. Nagkaroon siya ng problema sa bago niyang staff at hindi siya makaalis."

"Oh, did you mean Lawrah?"

Kinunutan ng noo si Lee. "Who's Lawrah?"

"The new staff?"

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now