CHAPTER 085 - When Things Get Tough

349 18 1
                                    



"HINDI PA BA BUMABALIK SI TRINI, ANAK?"

Napalingon si Gene sa front door nang marinig ang tinig ng ina. He was at the veranda, holding his phone in his right hand as he tried to reach Trini.

Halos tatlong oras na itong nasa bayan. Nagpadala ito ng text message matapos nitong manggaling sa cake shop at sinabing may pupuntahan lang. But it's been hours now, and she still hasn't came back.

At kanina pa niya sinusubukang tawagan ang cellphone nito. It was ringing, but she wasn't picking up.

"I have been trying to call her," he answered.

"Wala naman sigurong may nangyaring masama?"

"Let's hope not, Ma. Pero kilala ng mga taga-Asteria si Trini; she wouldn't be in trouble."

"Then where is she?"

Hindi siya kaagad na nakasagot nang makarinig sila ng tunog ng sasakyang pumasok sa gate. He knew it wasn't Trini based on the sound of the engine, but he turned to see who it was anyway.

It was Lee.

Habang hinihintay ang pagbaba ni Lee sa kotse nito ay muli niyang sinubukang tawagan si Trini. Muli ay hindi nito iyon sinagot.

"The birthday boy looks worried," nakangiting komento ni Lee habang papalapit sa veranda. Hawak nito sa isang kamay ang malaking paperbag na may tatak ng botique na pag-aari nito. "I brought some gifts for you. I designed these clothes so you have to use them."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid at muling niyuko ang cellphone. Habang nagta-type siya ng mensahe para kay Trini ay narinig niya ang pagbati ni Lee sa ina nila at ang pagtanong nito kung ano ang nangyayari.

Sandaling nag-usap ang dalawa, at ilang sandali pa ay,

"Your car has a GPS device installed in it, right?"

Nilingon niya ito.

"Bakit hindi mo i-track ang kotse mo? Kapag nalaman mo ang location ay puntahan na natin."

Humugot siya nang malalim na paghinga saka ibinalik ang pansin sa cellphone. Hinanap niya ang tracker app at akma na sana iyong bubuksan nang may marinig muli na isa pang kotseng paparating. And the engine sounded familiar.

"Oh, there's your truck!" bulalas ng ina niya bago pa man siya mag-angat ng tingin. Nakita niya ang truck niyang papalapit, at mula sa windshield ay nakita niya si Trini na nagmamaneho niyon. Nakahinga siya nang maluwag. Madali niyang inisuksok ang cellphone pabalik sa bulsa niya at bumaba sa veranda.

Nang makapasok ang kotse sa gate at nang huminto iyon sa tabi ng kotse ni Lee ay nahinto siya at hinintay na makababa si Trini. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Si Trini ay pinatay ang makina ng sasakyan at sandaling naupo roon sa pagtataka niya. He furrowed and was about to approach his truck when Trini opened the door and swung out.

Kinunutan siya ng noo nang mapansin ang pilit na ngiting pinakawalan ni Trini. They had known each other for more than two decades for him not to recognize how fakely that smile was.

"What happened to you?"

Huminto si Trini ilang dipa mula sa kaniya. "Sorry, may dinalaw lang akong kaibigan ni Mommy."

"But why weren't you answering my calls? I thought something bad had happened to you."

Nawala ang pekeng ngiti sa mga labi ni Trini; ang anyo ay unti-unting naging seryoso. Sa loob ng ilang segundo ay nanatili lang silang magkatitig; he was confused, worried. Trini was... reserved.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now