CHAPTER 114 - Why?

413 15 0
                                    




"SIGURADO KA BANG ISASAMA MO AKO?" nakangising tanong ni Chona pagpasok nila sa bagong tayong cake shop sa bayan. Doon niya napiling um-order ng cake na dadalhin para sa kasal nina Nelly at Ambong.

Si Nelly ang kasambahay ni Phill sa Contreras; ang pamilya nito ay matagal nang naglilingkod sa pamilya nila. Si Ambong naman ay nakilala niya sa unang pagkakataon nang sandali siyang nanirahan kay Phill noong nakaraang buwan. Napalapit siya sa binata at sa iba pang mga tauhan ni Phillian na pawang mga mangingisda sa durasyon ng pananatili niya roon.

           And yes. Nelly and Ambong were getting married after years of wooing and dating. Nakapag-ipon na ng sapat ang mga ito, at nagbigay si Phillian ng kapirasong lupa malapit sa beach house nito bilang regalo para sa dalawa. Si Ambong ay nagtayo na ng maliit na bungalow house roon na nakahanda na sa paglipat ng mga ito pagkatapos ng kasal.

Noong nakaraang linggo lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Nelly. Inimbitahan siya nito sa nalalapit nitong kasal na gaganapin sa Contreras, doon sa hardin ng beach house na pag-aari ng pamilya nila. Ang ilan sa mga kapatid niya ay darating, pati na rin ang ina nila. He would be attending the party, and he offered to buy Nelly and Ambong's wedding cake on top of his cash gift. Quaro, his older brother who owns a bread and coffee shop, offered to bring his signature pastries and desserts. Sagot naman ng mag-asawang Phill at Calley ang catering, sagot ni Aris ang mga bulaklak para sa reception at simbahan, sagot ni Lee ang wedding dress ni Nelly, pati na ang mga gowns and suits para sa mga abay.

Labis ang pasasalamat ni Nelly dahil halos wala na itong gagastuhin sa kasal. Nelly had no idea it was just the least they could do for her. She and her family had been a loyal employee since time immemorial—malaki rin ang utang na loob ng pamilya nila sa pamilya ng mga ito.

Kaya itong kontribusyon nila sa kasal nito—those were nothing.

At inimbitahan na niya si Chona na sumama dahil... bakit hindi? Each of his brothers was bringing a date, and Phillian urged him to bring one, too.

Ang totoo'y hindi sana siya interesadong dalhin si Chona dahil hindi pa siya handang ipakilala ito sa pamilya. But he didn't want to just stare at his brothers who would be bringing their dates? Alam niyang darating sina Taurence, Aris, at Lee. Hindi niya alam kay Tau-Tau, pero siguradong may dala ang dalawang matitinik. Hindi rin siya sigurado kung darating si Cerlance na ilang buwan nang MIA at sa ina lang nila nakikipag-usap, hindi rin niya alam kung may dalang date si Capri. The other three—Viren, Sage, and Sacred—were expected to not come as usual.

Pwede siyang hindi magdala ng kasama, lalo at alam niyang maiintindihan siya ng pamilya. Besides, it wasn't as if they were in a competition. Ang gusto niyang iwasan ay ang pambubuska ni Caprionne na matalino nga pero laging walang pakialam sa damdamin ng iba. Capri was the most straightforward and was never holding back. Bubuskahin siya nito kapag nakitang wala siyang kasama.

He had to bring someone somehow. At sino pa ba ang pwede niyang dalhin kung hindi si Chona?

"Ayaw mo ba?" balik-tanong niya rito.

Nagkabit-balikat ito saka kumanyapit sa kaniya. "I'm glad you asked me to come. Hindi lang ako makapaniwala."

"Everybody's bringing their dates, ayaw kong mapag-iwanan."

"Hmm... So, makikilala ko na rin ang mga kapatid mo, ha?"

"Yeah." Tinanguan niya ang cashier na lumabas mula sa kitchen at bumalik sa counter. The cashier was also the owner, he believed. It was a petite Filipino-Taiwanese lady who wore glasses and braces. Chinky and cute.

"Are they as attractive as you?" Chona asked again while softly rubbing her fingers across his arm.

"Probably more," he answered, grinning.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now