CHAPTER 027 - The Difference Between Gene and Dee

555 24 2
                                    







NAPASINGHOT SI TRINI NANG MARINIG ANG PAGHINGI NG TAWAD NI GENE.

"I didn't mean to say those words... I don't want to distance myself from you. I don't want to put space between us."

Gene's tone was firm and full of sincerity, at nakasabay niyon ay naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya. In response, she tightened her embrace and closed her eyes. Muling nanikip ang kaniyang lalamunan, muling nagtubig ang kaniyang mga mata. Para siyang bata na pinaiyak tapos in-alo kaya umiyak na naman.

Muli siyang napasinghot bago nagsalita. "Kahit sinabi kong gusto kong matuto na hindi maging dependent sa'yo, pakiramdam ko ay hindi ko kayang gawin. Naging parte ka na ng buhay ko, Gene. Mas matagal pa tayong nagkasama kaysa ako sa mga magulang ko. I don't know what to do in my life if I lost you."

"You will never lose me, Trini," bulong nito bago muling hinigpitan ang pagkakahapit sa kaniya. "I will always be here. Dala lang ng bugso ng damdamin kaya ko nasabi ang mga sinabi ko kanina. I promise you that I will never put a wall between us. And I will never, ever distance myself from you. But please don't break a promise again."

Tumango siya, nagmulat, saka luhaang tumingala sa kaibigan na napayuko rin at sinalubong ang mga mata niyang puno pa rin ng luha.

"I'm really sorry if I didn't keep my promise that night. If I were on your shoes, magtatampo rin ako at baka hindi kita kausapin ng isang buong buwan. Not to mention, baka sunugin ko pa itong bahay mo kasama ang syota mo."

Sandali itong natigilan, at natawa siya nang bahagya nang makita ang pagkalito sa anyo nito.

Doon pa lang napagtanto ni Gene na nagbibiro siya. Napangiti ito at pinahiran ang kaniyang mga luha. "Silly. I won't bail you out from jail if you did that."

She puckered and said, "Hindi mo ako matitiis."

Nakangiti itong umiling saka siya inakbayan. Ang tingin nito'y natuon sa mga pagkaing nasa mesa. "Hindi ko mauubos ang mga pagkaing iyan kaya sabayan mo ako."

"But of course, para sa dalawang tao talaga ang mga 'yan."

"What did you cook, by the way?"

Ngumiti siya at hinawakan ito sa mga kamay bago hinila patungo sa mesa. Dinala niya ito sa harap ng platong nilapag nito roon kanina, tumayo sa likod niya at hinawakan siya sa magkabila niyang mga balikat upang paupuin sa upuan. Gene complied; ang tingin nito'y nasa masasarap na pagkaing inihanda niya.

"I baked cheesy beef lasagna and hamonadong manok with real pineapple. Ako pa ang nagbalat ng pinya, ha?"

"You've been busy this afternoon, huh?"

"Oh, I have. Sa katunayan ay plano ko pa sanang gumawa ng garlic bread, kaya lang ay nagahol ako sa oras dahil sa pinapanood kong video sa TeeTok."

Humakbang siya patungo sa cupboard upang kumuha ng sariling plato at mga kubyertos. Ramdam niyang nakasunod ang tingin ni Gene sa likuran niya.

"TeeTok?" ulit nito.

"It's a new app where you can watch and make videos." Matapos niyang kumuha ng mga gagamitin sa pagkain ay muli siyang humarap. "It's super fun and entertaining; you should try it."

"Nah. I'll pass." Ibinalik nito ang tingin sa pagkain. He looked so hungry he could eat a horse. At hindi na siya nito nahintay pa; itinusok na nito ang tinidor sa manok at kumuha ng laman sa breast part.

"I just discovered the app the other day, may mga kabataan kasi sa party ng kaibigan ni Dee na sumayaw gamit ang steps na natutunan nila sa app. I got so curious kaya nakipag-tsikahan ako."

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now