CHAPTER 025 - Sound Right In His Ears

535 24 3
                                    



"MAGIGING ABALA AKO SA SUSUNOD NA DALAWANG LINGGO kaya pasensya na kung hindi ako makakasama sa'yo sa Montana, ha?" ani Trini kay Deewee nang ihatid nito ang huli sa labas. Matapos ng almusal ay nagpaalam na si Deewee na babalik ng Maynila, at hinatid ito ng dalaga hanggang sa nakaparadang sasakyan nito sa tapat.

"It's alright," nakangiting sagot ni Deewee. Niyaya siya nitong magtungo sa Montana para dalawin si Phillian. Dahil plano nitong mag-invest sa fishing business ni Phill ay magbabakasyon ito roon ng isang buong linggo, pero dahil sa mga aasikasuhin niya sa itatayong negosyo ay ipinaalam niya ritong hindi siya makakasama. "I'll see you after a week."

Tumango siya. "Mag-iingat ka sa daan."

"Thank you, Trini." Lumapit si Deewee at yumuko upang dampian siya ng halik sa pisngi.

Si Gene na naka-tayo sa pinto karga-karga ang isa pa sa mga pusa ni Trini ay kumaway kay Deewee nang mapatingin doon ang lalaki. Ngumiti si Deewee at kumaway rin, bago ibinalik ang pansin sa kaharap.

"May napansin akong kakaiba kay Gene ngayong araw. Is he alright?"

"He's good. Baka pagod lang dahil bumiyahe pa mula Asteria buong gabi."

"Kausapin-dili ka rin niya kasi, nag-aalala akong baka may problema siya."

"Naku, kung may problema siya ay sa akin unang magsasabi iyan. Mas marami pa nga akong alam tungkol sa kaniya kaysa kay Tita Feli, eh. He'll be fine, he's just exhausted." Banayad niyang tinapik-tapik ang braso ni Deewee. "Off you go. Text-text na lang."

Tumango si Deewee at tumalikod na upang sumampa sa sasakyan. Hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa buksan nito ang makina ng kotse at hanggang sa tuluyan iyong makaalis. Nang lumiko ang sasakyan sa kabilang kalsada palabas ng subdisviion ay saka lang siya bumalik sa bahay.

Si Gene na hindi pa rin umaalis sa pinto ay nagsalita nang makalapit siya. "Did he really has to go? Bakit tinaboy mo kaagad? Hindi pa tapos ang araw ah?"

Napanguso siya. She could sense sarcasm in Gene's voice. "May dalaw ka ba nitong nakalipas na mga araw? Ang suplado mo."

Hindi siya nito pinatulan. Yumuko ito upang ibaba si Cox, ang isa sa mga alaga niya, bago siya muling hinarap. "Babalik na rin ako sa bahay. Wala akong tulog buong gabi kaya h'wag mo akong istorbohin."

Lalong nanulis ang nguso niya. "Pasalamat ka at sobra kitang na-miss kaya hindi ko papatulan itong pagtataray mo. Sige na, magpahinga ka na roon at maglalaba na rin muna ako ng mga damit ko."

Walang ibang salita na lumabas ito ng bahay ay nilampasan siya. Sumunod ang tingin niya rito. Gene walked across the street with his hands pushed into his pockets. Ang suot nitong itim na sweatshirt ay medyo basa sa likod dahil sa pawis. Hindi pa installed ang AC system niya sa ibaba kaya mainit kanina sa dining area at nagpawis ito. At tama si Deewee; Gene was silent in the duration of the meal. Pilit itong kinausap ni Deewee pero walang gana ang mga sagot.

Nang tuluyang makapasok sa workshop si Gene ay napailing siya at pumihit na rin pabalik sa loob ng bahay. She knew why Gene was acting odd. Alam niya kung ano ang nagawa niya noong Miyerkules ng gabi. She promised him dinner but she failed to show up at the right time.

Babawi siya rito mamayang gabi. She would make it up to him. Habang tulog ito'y ipagluluto niya ito ng hapunan at sasabayang kumain. At habang wala si Deewee sa isang buong linggo ay gugugulin niya ang kaniyang panahon hindi lang sa pag-aasikaso ng tungkol sa itatayo niyang negosyo kung hindi pati na rin sa kaibigan niyang matampuhin!

*

*

*

IT WAS ALMOST 7PM WHEN GENE WOKE UP. He slept for almost the whole day.

Well... not really. Dahil nagawa na niyang makatulog ng bandang ala-una na ng hapon matapos ang ilang oras na pabaling-baling niya sa higaan.

These past few days had been terrible. Hindi siya halos nakatulog dahil hindi siya sanay na hindi nakakausap si Trini. Matapos niyang umalis noong Miyerkules ng gabi ay hindi na siya umuwi. That night, he went to the pub he and Trini would frequent. He spent the whole night there until he decided to drive straight to Asteria. Pasalamat siyang walang nangyaring masama sa kaniya sa daan kahit medyo may tama siya ng alak nang gabing iyon. He was able to reach their family home safe and sound. Pagkadating sa ancestral house ay inabutan niya ang ina at ang kasambahay na si Aling Patty sa kusina at naghahanda ng almusal; it was only fifteen minutes past five o'clock. Hinalikan lang niya ang ina sa pisngi saka walang ibang salitang umakyat sa itaas at natulog sa kaniyang silid. Nagulat pa siya nang sa pag-gising niya kinahapunan at pagbaba niya sa sala ay inabutan ang isa sa mga kapatid na hindi madalas magpakita sa buong pamilya; si Sacred.

And what's more surprising was he came home with his eight-year-old daughter! Laking gulat niya nang malamang may anak na ito. At galing pa ang mga ito sa Estados Unidos. Sacred explained that he had been living in the States for over a year now, at kasama nito sa apartment ang anak at ang ina ng bata. Sacred and his baby-mumma were not in good terms, at nagtalo raw ang mga ito kaya nagpasiya si Sacred na iuwi ang anak sa Pilipinas at doon na muna sa Asteria manatili ng ilang linggo.

Dahil sa pag-uwing iyon ni Sacred kasama ang anak ay nagsi-uwian din ang ilan pa nilang mga kapatid upang makilala si Leyara. Lee, Aris, and Leonne came home. Dumating din sina Phillian at Calley who became close to Sacred. Dahil doon ay tumagal siya sa Asteria. Kung wala lang siyang naka-schedule na sasakyang aayusin sa Lunes ay hindi pa muna siya uuwi.

Well, not really.

Because the truth was... he really missed Trini and he wanted to see her again.

Nang maisip ang kaibigan ay nagpakawala siya nang malalim na paghinga. He then stood up and went to the bathroom. Nagbabad siya sandali sa shower at lumabas ng silid upang magbihis. He wore sleeping pants and nothing else.

Barefoot and with hair still wet from the shower, he stepped out of his room. Only to stop when he smelt something delicious cooking in his kitchen.

Madali siyang bumaba, at tulad ng isahan niya ay nasa kusina si Trini at may inisalang sa stove. Inabutan niya itong nakaupo sa harap ng kitchen table at tutok ang pansin sa hawak na cellphone. May nakasalang na maliit na pot sa ibabaw ng stove na may mahinang apoy. Ang oven ay umiilaw rin, ibig sabihin ay may nakasalang din doon.

"Hey."

Nag-angat ng tingin si Trini nang marinig siya. Ngumiti ito nang ubos ng tamis. "Hey, my luv. How's your sleep?"

He stopped and stared at his best friend's smiling face.

Luv.

That endearment sounded right in my ears...



TO BE CONTINUED...


Don't forget to FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Don't forget to FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now