CHAPTER 111 - Couple Tattoo No More

562 17 2
                                    







MAINGAT NIYANG INAPAKAN ANG ACCELERATOR UPANG I-ABANTE ANG TRUCK. Nang marating na niya ang harap ng facility ay saka niya maingat na inapakan ang preno upang tuluyang i-hinto ang sasakyan.

Hindi nag-angat ng tingin si Trini—and it was easy to guess she had already fallen a sleep.

Shit, who would sleep in this condition and this situation?

Hindi niya napigilang ikuyom ang mga palad.

Damn you, Jerome Sison... It's easier for me to put all the blame on you, you motherfuc***...

Sandali niyang ini-hilig ang ulo sa headrest ng driver's seat at ipinikit ang mga mata. Sunud-sunod muna siyang humugot nang malalim na paghinga, at nang huminahon na siya at saka siya nagmulat saka dumukwang upang hanapin ang foldable umbrella mula sa compartment ng truck. Nang walang mahanap ay napamura siya. Makalat ang truck dahil sa hindi niya madalas na pag-gamit doon, at hindi niya alam kung saan niya ini-suksok ang payong. Wala na siyang oras na maghanap.

Tumuwid siya ng upo at inalis ang seatbelt bago binuksan ang pinto saka lumabas. Sa malalaking mga hakbang ay nilapitan niya si Trini, at habang papalapit siya ay bumaba ang kaniyang tingin sa kamay nitong nakabalot pa rin ng towel.

The last time he remembered, the towel's color was white. Ngayon ay hindi niya madesisyonan kung kulay pula na iyon dahil sa dugo, o kulay brown dahil sa dumi na nagmumula sa tilamsik ng ulan.

Bumaba pa ang tingin niya sa suot na pajama ni Trini. It was all wet and dirty. Napa-iling siya bago itinaas muli ang tingin.

Ang buhok ni Trini ay tumatakip sa mukha nito—basang-basa na rin. Ang suot nitong itim na T-shirt ay pamilyar sa kaniya; it was one of her favorite sleepwear. Hindi niya maalala kung kailan niya huling nakitang ini-suot iyon ng dalaga. She got used to not wearing anything at night since they got together because why would she need clothes when he had to remove them anyway?

F*ck.

Itinigil niya ang takbo ng isip at minura ang sarili nang muli niyang binalikan ang alaalang iyon.

Itinuloy niya ang paglapit, at habang ginagawa niya iyon ay lalo niyang nakikita kung gaano nito kailangan ng tulong. The blood from her wound, despite the thick towel wrapped around it, continued to drip down the pavement. And who the heck knows how much blood she had lost already?

Doon sinakop ng matinding awa ang kaniyang dibdib. Tama ba ang ginawa niyang pagtalikod kanina habang nasa pub sila? May naitulong kaya siya sakaling lumapit siya kanina?

Shit. I'm sure Tita Lanie is disappointed as she watched from heaven...

Huminto siya sa harap ni Trini nang tuluyang makalapit. Nasisilingonan na ang bahaging iyon ng bubong na tumatakip sa glass door and window. Medyo nabasa ng ulan ang ulo at damit niya, pero hindi niya iyon inalintana.

He needed to check on her now...

"Trinity Anne," banayad na tawag niya.

Si Trini ay bahagyang napa-igtad nang makarinig ng tinig. Subalit nanatili itong nakayuko at hindi kumikilos.

"Are you awake?"

Doon pa lang unti-unting nag-angat ng ulo si Trini, at dahil basa ang mahaba nitong buhok at nakatakip pa sa mukha nito'y hindi niya nakita nang buo ang panlalaki ng mga mata nito nang tumingala sa kaniya.

Sandali siyang natahimik at nakayuko lang dito. He was trying to be as calm and nonchalant as he could, kahit na parang mapupunit na ang puso niya sa labis na awa sa nakikita sa sitwasyon ng dating matalik na kaibigan.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now