CHAPTER 092 - No Rights

353 21 0
                                    







           KINUNUTAN NG NOO SI GENE nang sa pagbukas nito ng roll up door kinaumagahan ay nakita si Trini na naka-harap sa hood ng kotse nito at nakapamaywang. Nakaangat ang hood at nakasimangot ang mukha ng dalaga.

           It was nine in the morning. Tanghali na siyang nagbukas ng shop dahil anong oras na rin siyang nagising. Hindi niya maalala kung anong oras siyang nakauwi kagabi sa bahay niya. Matapos nilang mag-usap ni Trini ay lumipat siya sa kabila. Padabog na naglinis siya ng silid at pagdating ng gabi ay inilabas niya ang motorbike at nagtungo sa pub na madalas nilang puntahan noon ni Trini.

           Nilunod niya ang sarili sa alak sa labis na pagdaramdam. Hindi niya alam kung ano talaga ang problema ni Trini, hindi ito nagsasabi nang buo sa kaniya. He could feel there was more she wasn't telling him about.

At kung may problema man ito, ay nararamdaman niyang ayaw nitong solusyonan dahil hindi nito sinasabi sa kaniya para maayos nila.

           Trini's actions were pissing him off already.

           He wanted to sort this out. Ang bakasyong akala niyang mag-aalis sa kalungkutang naramdaman ni Trini ay nakansela pa dahil pinairal na naman nito ang negatibong damdaming pumupuno sa dibdib nito. He wanted to help her, but Trini didn't want to be helped.\

            Kung hindi rin nito tutulungan ang sarili ay papaano aayos ang sitwasyon nila? Ang relasyon nila?

           Naghintay siyang umayos ang pakiramdam nito, ilang araw... linggo siyang nagtiis at nagpasensya. Pero sa paglipas ng mga araw ay nagiging inconsistent ito hanggang sa siya na naman ang napagod.

           "Damn it!"

           Naibalik niya ang tingin kay Trini nang marinig ang sunud-sunod na pagmumura nito. Nakita pa niya ang pagsipa nito sa harapan ng kotse. Kinunutan siya ng noo at humakbang palabas ng workshop. Tuluy-tuloy siya hanggang sa makalapit siya sa kinaroroonan ni Trini.

           Nang makalapit ay saka pa lang siya nito napansin. Napatingin ito sa kaniya at naging mailap ang mga mata.

           Hindi pa sila nag-uusap simula kahapon kaya naiintindihan niya ang reaksyon nito. He could sense her awkwardness, which was something he had gotten used to, anyway... Wala na siyang naramdamang iba rito kung hindi inconsistencies at awkwardness.

           "What's going on?" he asked, eyeing the car.

           "Ayaw umandar ng kotse ko," payuko nitong sagot.

            He walked over to the hood, at isang tingin pa lang ay alam na niya kung ano ang problema. He tsked and faced her. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yong masyado nang luma ang engine ng kotse mo. Kung papalitan ko ay mapapamahal ka sa gastos, kaya sinabihan kitang bumili ng bago. This can't be fixed anymore, Trin. Mahigit pitong taon na rin ang kotseng ito sa 'yo kaya pagpahingahin mo na."

"Ayaw kong bumili ng bagong kotse. Ayusin mo na lang ulit kung bakante ka ngayong araw; I'll pay your. For now, I'll just take a cab—"

"Kung ayaw mong gumastos ay ako ang bibili sa 'yo ng sasakyan—"

            "I don't need a new car, Gene. Lalo na kung bibilhin mo. Besides, hindi ko rin naman magagamit pa 'yon nang matagal."

            Kinunutan siya ng noo at muli itong niyuko. "What the heck do you mean?"

            Muling naging mailap ang mga mata ni Trini bago nagkibit-balikat. She cleared her throat and said, "I mean, hindi ko rin naman magagamit nang madalas kaya mas mabuting h'wag na akong bumili ng bago."

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon