CHAPTER 087 - Can't Promise The Same

362 13 5
                                    




APAT NA ARAW NA MALAMIG ANG PAKIKITUNGO NI TRINI KAY GENE. She was always cranky, always tired, and not in the mood. But Gene said nothing; he understood. He did his best to understand her situation despite knowing less.

Sa umaga, hindi tulad dati, kapag nagigising si Trini ay kaagad itong babangon upang maligo at maghanda sa pagpasok sa facility. Gene would wake up finding out that Trini had already left. Kahit pagbu-brew ng kape ay hindi na nito ginawa. Gene would call her, but Trini would just answer through text. She wouldn't take the call.

Sa hapon ay susunduin ni Gene si Trini, pero dahil dala ng huli ang sasakyan nito'y magkahiwalay siyang magmamaneho ng sasakyan pauwi. He tried to invite her out for dinner, but in the past four days, Trini did nothin but decline. Doon na lang sila sa bahay kumakain ng pagkaing in-order nila online. At kapag kumakain sila ay pilit na nagbubukas ng topiko si Gene na sasagutin lang ni Trini ng tango o kibit-balikat.

Ayaw ni Gene na muli nilang pagtalunan ang tungkol sa pag-alam nito ng tunay na nararamdaman ni Trini, kaya kahit na hindi na ito komportable ay pinahaba pa ni Gene ang pasensya at pag-iintindi. He thought that it might be best to give Trini more time to think things over; to gather her thoughts until she was ready to make amends.

At hanggang sa dumating ang araw na muli silang bumalik sa dati, ay gagawin ni Gene ang lahat ng makakaya nito upang suyuin ang dalaga.

*

*

*

            KINUNUTAN NG NOO SI TRINI NANG MAKITANG BUKAS PA RIN ANG WORKSHOP NI GENE PAGKAUWI NIYA. It was already 6:30PM. At kahit na nag-o-overtime si Gene ay nakasara na dapat ang roll up door ng workshop pagdating ng alas seis.

            Matapos niyang igarahe ang kotse sa tapat ng bahay niya ay pinatay na niya ang makina at kinuha ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng front seat. She bought Gene's favorite dessert; chocolate truffle. Kahit man lang doon ay makabawi siya sa mga tantrums niya nitong nakalipas na mga araw. Although, walang pagbabago sa nararamdaman niya, ay gusto niyang kahit papaano'y makabawi sa mga ipinakita niyang moodswings nitong nakaraang apat na araw.

            Pilitin man niya ay hindi niya magawang maging masaya.

            And although she had already told Gene what she and Doctora Vergel had spoken about, there was still another thing she hasn't told him.

At iyon ang bagay na mas mahalaga.

            Bitbit ang mga pinamili ay dumiretso siya sa gate. Kapag nakita ni Gene ang kotse niya sa harap ay siguradong magsasara na ito ng shop at lilipat. Hindi pa niya alam kung papaano babasagin ang pader na inilagay niya sa pagitan nila nitong nakalipas na mga araw; pero gusto niyang umpisahan sa masarap na dinner.

Dire-diretso siya sa bahay; nakabukas na ang mga ilaw. Dinala niya sa kusina ang biniling dessert at ipinasok sa fridge. Naghugas siya ng kamay, naglabas ng karne mula sa freezer upang i-defroze. Gene had been eating nothing but take-out food these past few days; gusto niyang ibalik ang dating gawi sa gabing ito.

            Naghahanap siya ng mga gulay sa chiller nang makarinig ng tunog ng motorsiklo. She knew it wasn't Gene's motorcyle; she had memorized the sound of its engine. Tuwid siyang tumayo at humakbang patungo sa bintanang nakaharap sa workshop, at doon ay sumilip siya.

Napatda siya sa nakita.

            Babae ang nakasampa sa motorsiklong lumabas mula sa workshop ni Gene.

            And it wasn't just another woman.

            It was Chona!

            Sa ganitong oras?

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now