CHAPTER 112 - Hope?

496 17 3
                                    




TULALA SI TRINI HABANG NAKAYUKO SA NURSE NA BINABALOTAN NG BENDA ANG BUONG KAMAY NIYA. Magmula nang dumating siya sa ospital hanggang sa tingnan siya at gamutin ng doktor ay walang salitang lumabas sa mga labi niya. She was quiet as the alcohol intoxication continued to overpower her system. Umiikot pa ang paningin niya, magaan ang pakiramdam niya sa puntong hindi na niya naramdaman ang hapdi mula sa sugat.

           Magkaganoon man, malinaw sa kaniyang alaala ang mga naganap. Ang pagdating ni Gene, ang paghubad nito sa harapan niya, ang pagsakay niya sa kotse nito... ang mga sinabi nito.

           Tandang-tanda niya ang mga iyon.

           "Wala na ring halaga ang unang nakalagay r'yan kaya pinatungan ko na ng iba," she remembered him saying.

           Walang halaga...

           F*ck.

Those words broke her heart. Over and over.

            Pero bago iyon ay nadurog na ang puso niya sa bigla nitong pagtalikod sa kaniya sa pub kanina.

            Matapos niyang manggaling sa dating subdivision na tinirhan nila ni Gene ay dumiretso siya sa pub upang magpalipas ng oras at upang lunurin ang sarili sa alak matapos niyang makompirma na sa bahay na ni Gene nakatira si Chona. She felt so pathetic, at hindi niya gustong umuwi sa condo na ganoon ang pakiramdam.

            She ordered a whole bottle of red wine— naubos niya iyon at um-order pa siya ng scotch on the rocks. Ang huling mga naalala niyang nangyari sa pub ay ang pakikipagtalo niya sa bagong waitress tungkol sa alak na dinala sa kaniya. She knew it wasn't the brand she asked for, pero pinagpilitan ng waitress na iyon daw ang hiningi niya. Pinagmukha siya nitong tanga; akala yata nito ay hindi niya malalamang mali ang alak na dinala nito sa kaniya. She argued with the new waitress, then the next thing she knew, may umaagos nang dugo sa palad niya. At nagkagulo na ang lahat sa paligid niya. Hindi niya alam kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, but one thing was for sure-- she broke the empty bottle of wine and cut herself.

            Then, as the waitress tried to calm her down, she remembered lifting her head and meeting Gene's eyes. Nagulat siya nang makita ito roon—bagaman hindi nakapagtataka ay hindi rin niya inasahan. Pero tulad ng naunang nangyari noong nakaraang araw ay nagpanggap itong hindi siya kilala. Balewala lang itong tumalikod at lumisan...

            Hurt and disappointed, she left the pub and soaked under the rain. Hindi niya alam kung saan siya papunta, lutang ang isip niya nang mga sandaling iyon. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili sa kalye papuntang facility. Naalala niya si Bulingling kaya dinaanan niya ang clinic, pero sarado na iyon tulad ng inaasahan. Thinking there was someone staying overnight at the facility, she proceeded there instead. Pero walang tao at sarado ang gusali, kaya nanatili na lang siya roon sa gilid ng daan at nang makaramdam ng pagod ay dumausdos at niyakap na lang ang sarili na tila kawawang bata na nawawala at pinabayaan ng magulang.

            Naaawa siya sa sarili, pero ano ba ang magagawa niya? Her life was done. She was just waiting for the cancer to spread all over her system and kill her.

            "Ayan, okay na po, Ma'am."

            Napakurap siya at napatitig sa nurse nang marinig ang sinabi nito. Nakangiting anyo ng nurse ang nabungaran niya. Tumayo ito at binitbit ang tray na may lamang mga gamit.

            "Pwede na po kayong umuwi at bayad na rin po ang bill ninyo. Nariyan na po ang mga gamot ninyo."

            Wala sa loob na napatingin siya sa plastic na nakapatong sa ibabaw ng stretcher na kinauupuan niya. Naalala niyang nilapag iyon ng nurse sa tabi niya kanina bago inumpisahan ang pagtatali ng bandage sa kamay niya.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon