Chapter 3

70.2K 2.7K 2.3K
                                    

SHEVAYA

Hawak-hawak ko sa isang kamay ang form na galing sa registrar. Dalawang linggo lang ang naging bakasyon namin bago nag start ulit ang klase para sa pang huling semester.

Napahawak ako sa ulo ng bahagya itong kumirot. Tulog pa kasi si Lola ng iwan ko, siguro hindi na naman iyon naka-tulog kagabi. Iniwanan ko lang din siya nang makakakain at hindi na ako nag-abalang mag almusal pa.

Tiningnan ko ang schedule na hawak. 

Philippine literature, room 104, building IV.

May kalayuan pa ang lalakarin ko.

Dahil mas tutok ako sa hawak na schedule ay hindi ko na namalayang may makaka salubong na pala ako.  Napa atras ako dahil sa lakas ng impact habang iyong babae naman ay napadausdos sa sahig.

Shit.

Hindi ko siya kilala pero sana hindi siya katulad ng ibang mga nag-aaral dito. Pero ano bang inaasahan ko 'e pare-parehas lang naman ang mga ugali ng mga students sa LIS.

"S-sorry." akmang tutulungan ko itong tumayo ng may tumapik sa kamay ko at siya na ang nag-tayo sa babaeng naka-bungguan ko.

Akala ko nga magagalit sa akin ang babaeng natumba, pero natatawa lang siyang humingi ng paumanhin bago pinagpagan ang sariling katawan.

"I'm sorry, it's partly my fault. Sutara's chasing me kasi." itinuro pa nito ang babaeng tumulong sa kanyang tumayo.

"Sorry, hindi ka-kasi ako naka-tingin sa dinaraanan ko." yumuko ako dahil sa hiya. Kabadong baka bigla na lang itong magalit at ipahiya ako sa harap ng mga students.

Iyong iba kasi ay nakatingin na sa banda namin.

Pero ganon na lang din ang gulat ko nang tapikin lang ako nito sa braso saka ngumiti. My heart skip a beat. This is the first time that a student from L.I.S smiled at me.

"It's okay, we're going na ha. Let's go?" tanong nito sa kasama na tinanguan lang din siya saka sumunod.

Napabuntong hininga ako saka muling nagpatuloy sa pag-lalakad papunta sa designated classroom. May five minutes pa ako bago tuluyang ma-late kaya naman ay dali-dali akong pumasok at umupo sa pinaka likod.

Nadaanan ko pa si Lexie na hanggang ngayon ay wala yatang balak na patahimikin ang buhay ko.

Pinag-bigyan ko na siya noong last sem, pero mukhang mainit pa rin ang dugo nito sa akin. Dagdagan pa ng mga pangsusulsul nina Stacy kaya naman mas lalong umiinit ang uli ng huli.

Hinahayaan ko na lang. They'll get tired din naman siguro kapag na-satisfied na sila sa pambu-bully sa akin.

Sinubukan ko namang mag sumbong sa admin, pero wala. Tapalan lang sila ng pera, binabaliktad na nila. Ang sabi, gagawan nila ng paraan. At kakausapin ang mga bullies, pero kahit ang CSC officers ay walang ginagawa.

Hindi na ito iyong L.I.S na mas inuuna ang kapakanan ng mga students nila, ngayon kasi survival na lang yata ang pag-aaral dito. Matira ang matibay. They'll bully someone that they wanted to, tapos kapag nag-sumbong sa admin or guidance and ma-pera 'yong nang bully. Mananahimik na sila.

Ngayon pa nga lang na si Sir Nik ang namumuno sa unibersidad ay marami na ang bully, ano pa kaya kung si Miss Salvidar na, e' mas bully ang isang iyon.

Napa buntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari last sem, hindi ako nag-karoon ng lakas ng loob para isa-uli sa kanya ang panyo, hindi ko naman iyon nagamit.

Hanggang ngayon ay natatago ko pa rin. Mamahalin kasi, at ang bango pa.

Napa-tingin ako sa buong paligid, ako lang ang naka upo sa huling row, lahat sila ay nay kanya-kanyang set of friends. Kahit si Aika na nerd at dating binu-bully djn ay naka-hanap na ng mga kaibigan.

Endless Love [ProfxStudent]Where stories live. Discover now