A GIFT.

63.1K 1.8K 1.4K
                                    

ROSS

"What are you doing here, Cray?" iniwas ko ang tingin sa kaibigan.

"Well, manglilibre ng dinner si Reign." tumaas ang isa kong kilay dahil sa narinig. Kailan pa ng libre ang isang iyon? Kahit sobrang yaman nya na, ni minsan, hindi nya naisipang ilibre kami.

"And?"

"Sa restaurant na pag-aari mo raw." my eyebrows automatically arched. Alam na alam ko na ang galawang yan, Zapanta-Vargaz.

Sa restaurant ko para hindi ka na magbayad, lakas ng loob mag aya tapos magpapalibre lang pala sa restaurant ko.

"Ipasasara ko ang restaurant, if that's the case." tuluyan ng humagalpak ng tawa si Cray. Nakakainis, alam kong busy din ang isang ito e. Tapos may oras pa talaga syang puntahan ako dito para bwesitin lang.

"Pag-bigyan mo na ang buntis." pangungumbinsi pa ni Cray.

"Kakasimula lang ng demie's last month. No, ayokong malugi." I heaved a deep sigh.

Masakit pa rin pala kapag binabanggit ko ang pangalan nya, akala ko naka-moved on na ako. Sige lang, Ross. Continue gaslighting yourself, may patutunguhan ka.

"Sige na nga, si Hira na lang ang magbabayad." unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Deal," iniabot ko ang kamay kay Cray, pero maagap nya lang na tinampal. Psh.

"Kapal mo." saad nito bago tumayo. Tumayo na rin ako, isinuot ko ang coat at balak ng umuwi, or hindi. Tatambay ako sa lugar kung nasaan sya. "Bilis pumayag por que si Hira na."

"So? May mas tiwala pa akong makakapag bayad si Hira kaysa kay Reign 'no." sabay kaming lumabas ng office ko, nadaanan ko pa ang secretary kong mukhang nagulat sa paglabas ko. "Cancel my appointments for this afternoon, I'll visit someone."

"Yes, ma'am." agad nyang sagot, hindi na nagtanong pa.

"Tatambay ka na naman?"

"So? At least I still know my purpose in life, ikaw ba?" nagkibit ng balikat si Cray. I don't know what happened between her and Meli, pero bahala sya sa buhay nya.

Malaki naman na sya.

Si Reign lang talaga ang sinwerte sa'min, and even Hiraeth.

Kaya halos kami na lang parati ang magkasama ni Cray, sya, nag hahanap ng purpose sa buhay, ako, patuloy na nabubuhay, umaasa na baka isang araw, pag gising ko, makikita ko na ulit...si Demie.

"Wag kang magpapa-gabi, ha." I nod. "May dinner tayo." I nod again. Nag hiwalay lang kami ng makarating sa ground floor.

Naunang umalis si Cray bago ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi ng makakita ng magbabarkadang students na naghaharutan.

They look happy.

Nakikita ko iyong mga kalukohan namin before sa kanila.

Mapait akong napangiti. Ang bilis ng panahon. Sobrang bilis na halos hindi ako makasabay. Ang daming nagbago, ang daming nawala.

Ang daming oras na nasayang, panahon na kailan man ay hindi na pwedeng balikan.

Sa alaala na lang...

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon