Chapter 16

71.3K 3.5K 2.5K
                                    

SHEVAYA

Malalim akong napabuntong hininga, kalalabas lang ni Miss Salvidar dahil may emergency meeting daw sila ng board. Hindi ko alam na masyadong busy pala sya, tapos nagawa nya pang pumasok sa klase namin.

Halata namang pagod na pagod na ito, kita mo nga. Hindi pa sya nakakakain pero umalis na agad.

Matapos kong makuha ang in-order nyang pagkain ay iniwan ko lang iyon sa mesa at nag iwan ng sulat. Matapos no'n ay lumabas na rin ako para hanapin si Rhoann at ng sabay na kaming kumain.

Palinga linga ako sa paligid, ng walang ano ano'y may nagsilaglagang gamit sa harapan ko.

"Sorry," she said.

Tumulong na rin akong mag dampot. Masyadong marami ito para sa isang tao kaya siguro nabitawan nya.

"Ito po." magalang kong bigkas, base kasi sa suot nyang uniform ay professor sya, tho it's the first time I'd seen her.

Siguro sa ibang department.

"Sorry, it's kinda awkward. Nahihiya kasi akong mag ask ng help from my student." halata ko nga.

May tatlong libro itong dala. Isang laptop at mga papel.

Hindi pa naman nya nakukuha ang mga gamit na inaabot ko kaya naisip kong tulungan na lang sya. Sya rin siguro ang sinasabi ni Miss Salvidar na bagong professor.

"Tulungan na po kita." pagbu-bulontaryo ko.

"Oh, no. It's fine. Thank you."

"I insist, ma'am. Masyado itong marami." matamis syang ngumiti at sa wakas ay tinanggap na rin ang alok kong tulong. Itinuro nya ang office, kung saan may mga kasama syang professor, unlike kay Miss Salvidar na solo talaga.

"What about I treat you? Tutal it's my first day, I kinda need someone talaga." I awkwardly smile and massage my nape.

"Uhm, sure...po?" tumawa sya dahil sa sagot kong hindi sigurado.

Kinuha nito ang wallet at sabay kaming lumabas ng faculty room.

Hinahabol pa ng tingin ng ibang students si Miss-- I don't know her name, basta iyong bagong professor ng L.I.S.

"The staffs and professors were so busy when I arrived, kaya medyo walang umasikaso sa'kin."

I don't know what to say.

"Hm, welcome to L.I.S nga po pala," ngumiti sya kaya kitang kita ang dalawang malalim na dimple.

Gagi, ang cute. Napatitig tuloy ako ng matagal sa dimple nya. Kung hindi ko pa narinig ang sinabi nito ay baka mas napatagal pa ang tingin ko sa dimple nito.

"President," clueless akong nag angat ng tingin, akala ko nga si Sir Nik ang makikita ko, pero ang magandang mukha pala ni Miss Salvidar na ang sama kung makatingin sa banda namin.

May kasama itong, tingin ko ay mga professors din.

"Good noon po," bati ko sa mga ito, ngumiti ang mga kasama ni Miss, habang sya ay hindi sinasadyang nabangga ako sa balikat.

Napaatras ako dahil medyo may kalakasan ang impact.

"You okay?" nag aalalang tanong ni Miss; new professor.

"Yes, Ma'am." sagot ko naman bago tumayo ng tuwid. Hindi na rin natuloy ang pang lilibre nito dahil sa pagdating ng secretary ni Miss Salvidar; according to the new professor, ay pinatatawag daw ito ng presidente mismo.

Nag paalam sya sa'kin at sinabing sa susunod na lang daw, kung mag kikita ulit kami.

Napatango na lang ako at tuluyan ng nag lakad papunta sa tambayan ko.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon