Chapter 35

76.3K 2.4K 1.4K
                                    

SHEVAYA

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa dining, nagising akong mag-isa na lang sa kwarto. I was shock after knowing that all of our guestrooms are locked.

I have no choice tuloy kung hindi ay ang patulugin si Ma'am sa kwarto ko.

Mukha pa ngang sumama ang loob n'on matapos kong ayaing matulog na kasi maaga pa nga kami ngayon dahil first day namin pareho.

Pinahiram ko ng damit, after nyang maligo at makapag-ayos ay nahiga na, hindi na ako pinansin. Tapos magigising akong wala sya sa tabi ko?

"Mom?" nagkasalubong kami ni Mommy Harriet, mukhang kagagaling lang nito sa labas. May dala dala pang...turon? Saan naman kumuha ng turon ang isang ito?

"Yes?" mukha syang papasok ng opisina dahil sa suot suot nya, pero imbes na papeles ang hawak ay turon.

"Nakita mo girlfriend ko, Mommy?" nag kibit-balikat ito.

"Umuwi na," umiling ako matapos nyang alukin ng turong kinakain. Mukhang kulang pa kasi sa kanya. "She look like she's about to murder someone, I hope it's not you, though." saka ako iniwang hindi makapaniwala.

She's hoping na  it's not me?

I hope it's not me, talaga. Kagabi pa mainit ang ulo n'on.

Muli akong bumalik sa taas para mag handa papasok ng school. They won't require us to wear our uniform since it's our first day.

Nag hanap ako ng masusuot sa walk-in-closet ko, si Mommy Harriet mismo ang nag turo sa'kin kung paano ibabagay-bagay ang mga damit na pinamili namin before.

Inabot ko ang nakitang mini skirt at White crop top, kinuha ko rin ang Black boots saka iyong itim na jacket.

Nasa baba na ako ng makitang nag hihintay si Mommy Harriet, buti naman at wala ng hawak na turon ang isang ito. Weird minsan ng nanay ko.

"Someone's gonna get mad." She look at me from head to toe, "no doubt, you're my child. Lets go?" I held her hand.

"Idadaan nyo ko sa school?" kinder ako, isang beses lang yata akong hinatid at sundo ni Lola. Simula noon, ako na parating mag-isang pumapasok at umuuwi ng school.

Ngayon lang may maghahatid sa'kin.

"Yeah, you good on eating your dinner alone? I'mma run some errands, gonna bankrupt someone's company." I gave her a side eye matching my mischievous grin.

Bored na naman ang nanay ko.

Kung mali-late rin naman pala sya ng uwi, bibisitahin ko na lang sina Lola mamaya, after ng pang huling subject ko. Kaka-visit ko lang sa kanya kahapon, pero sya lang kasi ang nadalhan ko ng bulaklak, isasama ko na sa pagbisita ko si Mama Meli at Papa Gavin, na best friend nya pala.

Sa backseat kami umupo dahil kasama namin ang driver na pinababa ko kahapon dahil badtrip si Portia Amor.

Tapos ngayon, uuwi ng hindi man lang ako ginising. Edi sana sabay na kaming pumasok diba? Hindi na bale, may isa't kalahating oras pa naman ako bago ang first subject. Pupuntahan ko na lang sya sa office nya.

"Hindi papasok si Rhoann, Mom?" Wala pa akong balita sa isang iyon. Basta ang alam ko, buhay pa naman sya kahit papaano.

Sa sobrang laki ng L.I.S, aabutin ng ilang minuto bago marating ang main gate, ang haba naman kasi ng bakod nila.

"She's in London, with her Mom, Keres, Si Rhiri muna ang makakasama mo. Though, she's on her first year." tumango ako sa sinabi ni Mommy, hindi ko na rin nabigyan ng pansin dahil naka received ako ng messages galing sa girlfriend ko.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon