Chapter 27

73K 2.4K 848
                                    

SHEVAYA

Awang ang labing tumingin ito sa'kin. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko rin ang pabango nito.

Grabe, ang kinis pala talaga ng mukha ni Miss Portia. With or without make up, walang pinag bago. Ang ganda pa rin nya.

"What?" napatulala na lang ako sa sobrang ganda nito.

Napaisip tuloy ako, talaga bang may gusto sya sa'kin? Totoo ba talaga ang nararamdaman nya para sa'kin?

Pwede bang gustuhin ko rin sya?

Hindi ba 'yun sobra? Hindi ba kalabisan kung hihilingin ko rin sya? Hindi ba ako magiging masama kung ipagkakait ko sya?  Sa kanya na mismo nanggaling. Ipagdamot ko sya, bakuran ko. Ayos lang ba?

It feels illegal. Ramdam kong walang wala ako para sa kanya. Walang wala ako sa mga taong nag hahabol, mapansin lang nya. Pero bakit ako pa?

Natatakot ako.

Kaya ko ba?

Kaya ko bang sumugal?

Pero nasabi ko na, hindi ba? Ang gagawin ko na lang ay ang tanggapin ang kung ano man ang mga nangyayari.

But the society won't approve for us. Maraming manghuhusga. Marami ang lalait sa kung ano man ang magiging kalalabasan nito.

They'll think na baka ginayuma ko lang ang babaeng ito kaya nagka gusto sa'kin. E' wala nga akong ginagawa.

Naramdaman ko ang pag dampi ng labi nito sa labi ko. Yumakap rim sya at idinantay ang pisnge sa dibdib ko dahilan para lumakas lalo ang tibok ng puso ko.

Paniguradong naririnig na iyon ni ma'am.

"What are you thinking?" hwr voice is soft. It's calming. Ibang iba kapag nag tuturo sya sa'min.

"Iniisip ko kung kailan kita ire-reject." napakislot ako ng maramdaman ko ang pag baon ng kuko nito sa braso ko.

"Asshole." bulong nya.

Inilagay ko ang isang kamay sa batuk n'ya saka marahang pinag laruan, ramdam kong gustong gusto n'ya ang paraan ng pag haplos ko sa kanyang batuk. Kaya hindi ko na itinigil.

"Ma'am," I called.

"Hmm?" hindi nito iginalaw ang ulo. Nakayakap lang s'ya sa'kin at parang sobrang comfortable na nya na ako na ang ginawa n'yang higaan.

"Bumalik ka na sa kama." she shook her head.

"I want to sleep here." she cutely said. Pero hindi naman ako papadala sa cuteness nya. Nakakangalay kaya.

"Nangangalay na ako."

"Really?" her voice seems not convinced. I nod.

"Ang bigat mo---" aray--tangina.

Malakas ba naman akong sinapak sa braso.

"How dare you?" tuluyan na syang bumangon saka naupo sa sahig at masama akong tiningnan. She look at her body.

Ang sexy. Putiks.

Talaga bang gusto nya ako? Bakit??

Ha? Bakit ako?

Tangina.

Ang ganda.

"I'm sexy, Calderon." she said, gritting her teeth. Tumango tango ako, saka naupo na rin paharap sa kanya.

"I can see that," imbes na mailang dahil tiningnan ko sya mula ulo pababa ay parang proud pang umayos ito ng upo. Psh, ibang klase. "Pero doon ka na sa kama. Hindi ka pwede rito."

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon