Chapter 11

71.1K 2.7K 1.9K
                                    

SHEVAYA

"Bakit iba na ang kulay?" puna nya sa laptop na gamit ko. Hindi nakontentong kinuha nya pa ito mula sa'kin. "Mas mahal din ito, gagi? Nakipag barter ka? Kanino?"

"Hindi," sagot ko sabay halumbaba sa mesa. Nasa library kami para mag study. Vacant kasi namin, ako nga lang sana kasi pupuntahan nya si Miss Amira pero nakasalubong naman namin ito kasama iyong bagong professor.

Mukha namang nabadtrip iyong kasama ko kaya sumama na lang sa'kin.

"E ano nga? Bakit iba na yan?" paano ko ba sasabihin sa kanya na kaya nag iba kasi ibinasura ni Miss Salvidar iyong bagong bili nya at pinalitan nitong bago?

Baka magalit pa sya at mas lalong mapapahaba ang usapan naming dalawa.

Tapos napansin ko pa kaninang parehas kami ng gamit— I mean, iyong dala nya sa room kanina noong nag present sya ng PowerPoint.

Parehas na parehas.

"Wait, this looks familiar. Katulad ng kay--" mabuti na lang ay sinaway kami ng librarian kaya natigil si Rhoann sa dapat nyang sasabihin.

Pero yung tingin nya ay parang nagdududa kaya kinunutan ko na lang sya ng noo at saka inginuso iyong ginagawa naming dalawa.

"Ayoko na, tinatamad na akong mag aral. Let's go sa cafeteria? I wanna eat." hindi pa nga ako um-oo ay isa isa na nitong inililigpit ang mga gamit nyang nag kalat sa lamesa.

"Mamaya na, tapusin na muna natin ito." pigil ko naman dahil wala pa nga kaming nasisimulan sa HOA ay gusto nya ng umalis agad.

Sa dalas naming magkasama, isa ito sa mga napansin ko sa kanya, tamad na tamad syang mag aral pero kapag tinanong mo naman ay maraming alam.

Matalino sya, tamad nga lang.

"Let's go na, I'm hungry. I want ano, fried chicken and pasta."

"Hindi ka ba nag sasawa sa fried chicken?" nakangiwi kong tanong dahil halos bilhin na nito ang lahat ng fried chicken na mayroon ang jollibee noong huling punta namin.

"Hindi, masarap e. Let's go?" mukhang napipikon na sa'min ang librarian kaya lumabas na lang kami ni Rhoann pagkatapos mag ligpit.

Saktong pababa kami ng huminto ang elevator sa second floor at pumasok rin iyong dalawang kakilala namin.

"Aquilo," patiling tawag ni Rhoann kay Aquilo at saka ito hinila papasok para yakapin. Tango lang ang naging batian namin ni Sutara.

As usual, malamig na naman ang mga titig nya.

"Kamusta ka? Ang pandak mo naman."

"Gagu ka, gusto mo isumbong kita kay mama? Sabihin ko na tinawag mo akong pandak?"

"Sino bang mama mo? Si Miss North? Diba? Sige, sumbong din kita sa momma ko, gusto mo?"

"Sinong momma mo?"

"Secret. Padalhan kita ng papatay sayo mamayang gabi."

"Gago."

Naiiling na lang talaga ako sa mga kagaguhang lumalabas sa bunganga ng dalawang ito. Kaya ayaw kong mag sama ang mga yan e.

"Both of you are going to the cafeteria, right?" sabay kaming lumabas ni sutara ng elevator, nasa likod naman namin sina Aquilo at Rhoann na ang ingay ingay.

"Oo, kayo rin ba?" napapaiwas ako ng tingin sa tuwing may makakasalubong kami tapos titingin na parang nagtataka kung bakit kasama ko ang mga ito.

"Yeah, Aquilo's hungry."

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon