Chapter 47

73.3K 3K 2.4K
                                    

SHEVAYA

Marahan kong hinahaplos ang paa ni Portia, nakatulog na ito kakaiyak, at kahit mas mabigat sya kay Paige, nagawa ko pa rin syang buhatin.

Itinabi ko ito sa tabi ng kapatid.

Ngumuso ako, hindi na ako nakapag explain kaka-iyak nya. Hinayaan ko lang sya, hanggang sa makatulog.

Itinabi ko ang stiletto nitong hinubad ko, I'm contemplating whether I'll change her clothes or just let it that way.

Ayoko namang mag-almusal ng sampal galing sa kanya kaya bahala na. Inayos ko ang higa ni Paige bago sila kinumutan. They look cute. Isang baby at isang baby ko.

Lumabas ako ng kwarto, nagugutom ako. Ang alam ko may malapit ng convenience store sa labas nitong building eh. Pero may restaurant din sila, pwede namang magpa deliver.

Pero wag na, bababa rin naman ako para bumili ng stocks, dito na muna ako titira. Ayokong makita ang pagkakalumpo ni Eris araw araw. Mukhang gustong gusto na yatang ibahay ng Mommy ko eh.

Lumabas ako dala ang wallet at cellphone. Ni lock ko rin muna ang pintuan bago tuluyang umalis. Malapit ng mag nine, lampas isang oras din palang umiyak ng umiyak si Portia.

Nanghihinang napasandal ako sa elevator, I wonder if she had her dinner na? Parang hindi pa. Nako-konsensya tuloy ako.

Hindi na bale, ipagluluto ko na lang sya. Or kung hindi, o-order na lang ako para sa kanya.

Pero ayoko namang gisingin ang isang iyon.

Natatakot akong baka masapak na naman ako. #Traumatized.

Nang bumukas ang elevator ay tuloy tuloy akong lumabas ng building, sa kabilang kalsada lang naman ang store kaya kayang kaya kong lakarin.

Nag hanap ako ng pwedeng makain at mailagay sa ref.

Kumuha ako ng maraming drinks, may chocolate, may vanilla, may strawberries, at grapes. Kumuha na rin ako ng gatas for Paige.

Nag hahanap pa ako ng pwedeng makuha ng madaanan ko ang maraming Oreo.

"Blackpink?" sinuri ko ito, at ng makitang normal lang din naman pala syang Oreo ay kumuha na ako ng marami. Maraming marami. Pangpalubag loob kay Portia.

Sa dami ng binili ko, humingi pa ako ng tulong para maidala ito sa building kung saan ako nakatira, titira na. Mabait naman iyong boy nila dahil kahit nagi insist akong kaya ko na, tinulungan nya pa rin ako hanggang sa unit ko.

"Thanks, here.." inabutan ko ito ng pera, pulos isang libo ang cash ko kaya iyon ang naiabot ko sa kanya. I used my card to pay for all of these kasi.

"Salamat po," kamot sa ulong iniwan ako nito. Lumingon pa sya sa'kin kaya nginitian ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Ng maiayos ko sa table ang mga pinamili ay doon ko lang na-realize kung gaano ito kadami. Halos mapuno ng pagkain ang table, karamihan pa ay iyong mga instant food.

Tinatamad na umupo ako saka nag order ng makakain, for me, for Portia and for Paige. Para kapag nagising ang sino man sa kanila ay may makakain na sila.

Balak ko sanang maglaro habang naghihintay sa order pero tumawag naman si Mommy, walang pagdadalawang isip na sinagot ko ito.

"Hell--" I answered, only to be cut off.

"Uhm, s-shit Harriet. Ahh." napatakip ako sa bibig dahil sa sobrang gulat.

"Mom? Eris? What the hell?" gulat kong tanong. Pero pulos daing lang ang naririnig ko. "I hate you both." sambit ko bago dali daling pinatay ang tawag, kinikilabutan inilayo ko ang cellphone sa'kin bago wala sa sariling napa sign of the cross.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon