Chapter 4

69.8K 2.7K 2.1K
                                    

SHEVAYA

Nag lalakad ako sa tahimik na corridor ng first year nang bigla akong makarinig ng sigaw mula sa loob ng classroom hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Wala naman akong balak maki-chismis, sadyang mapapadaan lang ako sa tapat nila kaya tiningnan ko na ang kung anong nangyayari.

Mahina akong napasinghap nang makita ang galit na itsura ni Miss Salvidar.

Naka crossed arms pa itong nakatingin sa babaeng-studyante niya; the girl looks so mad too, pero mukhang mas galit ang professor na nasa harapan nito.

"How dare you not include my output? Nahuli lang ako ng pasa." kita ko ngang may hawak itong papel na nalukot na sa sobrang galit siguro niya.

"I'm your professor, Frallon. I do what I want. I gave you enough time to finish it yet you still have the face to come near me just the hand that trashy output of yours?" ang taray talaga ng isang ito. Nakataas na ang isang kilay pero kitang-kita mong gusto niya na talagang sapakin ang student na kaharap. For sure nag pipigil lang ito kasi teacher sya, at kahit pag bali-baliktarin man ang sitwasyon, kung sasaktan niya yan ng physical ay malalagot siya. Pero wag naman sana nyang ipahiya ng ganyan.

"Bitch. I'm the daughter of Governor Frallon, you know that, right? And once na makarating ito kay daddy, mawawalan ka ng license." binabawi ko na, deserve rin naman pala nito. Mukhang bratinilya e.

Bahala sila.

Parehong brat.

Akmang lilisanin ko na ang lugar ng muling mag salita ang professor.

"Talking about power now, hah? Even if you call the current president of this country, ain't gonna waste my time grading that unpleasant output. Now, kid. You may now leave my class. I don't need a student who lack of intelligence like you."

Oh---no, Miss. You have no right to say that.

Gaga ka talaga. Iyong bata sinasabi lang na may kapangyarihan sila kasi governor yung tatay, ikaw naman hindi nga pinangangalandakan pero araw-araw namang inaabuso.

Jusko.

Kita ko ang pag kuyom ng kamao ng babae, alam kong ano mang oras ay masasaktan niya na ng physical ang gurong kaharap kaya bago pa ito mangyari ay umeksena na ako.

Bakit ko ginawa? Hindi ko rin alam.

Bahala na.

"Uh, excuse me." damn. Bakit ko ba kasi naisipan pang gawin 'to? Tangina naman, hindi ba at mahiyain ako? I don't have confidence to speak in front of many people tapos ngayon, pumapagitna ako sa away na hindi naman dapat ako kasali.

Tinaasan ako ng kilay ni Miss Salvidar, I even saw her checking me out. Ramdam ko na naman tuloy ang pag-iinit ng pisnge ko.

Bigla akong nahiya. I don't have a good body, a good fashion taste at mumurahin lang rin ang mga suot ko but she wasted her 5 seconds looking at my body.

Siguro sa isip nito ay nilalait-lait na ako.

Nakita ko ang pag lunok niya sabay iwas ng tingin.

"Who the heck are--" sa akin yata natuon ang inis ni--anak ni Gov.

"Do not talk to her like that." malamig nitong turan sa akmang pag tataray sa'kin ng estudyante nya. "Go now." Ikinumpas pa nito ang kamay. Mukhang labag sa loob pa ng estudyanteng umalis. Inikutan pa kami ng mga mata bago tuluyang iniwan. "Brat," bulong ni Miss Salvidar.

Maka sabing brat. E' mas malala naman ang ugali niya.

"What are you doing here, Calderon?" lumapit sa'kin si Miss Portia, kaya umatras ako hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng room niya pareho.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon