Chapter 5

68.7K 2.7K 1.9K
                                    

SHEVAYA

"Aya," mula sa ginagawa ay napa angat ako ng tingin ng tawagin ako ng lola.

Madilim pa sa bahay namin dahil hindi kami nakapag bayad ng koryente kaya kami naputulan. Pinag ta-tyagaan ko tuloy iyong kandila na nabili ko pa ng tig li-lima sa tindahan.

"La," binitawan ko ang hawak na ballpen saka ito hinarap. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

Malalim na rin kasi ang gabi.

"Ikaw? Masyado mo yatang pinu-puyat ang sarili mo." umupo sya sa tabi ko. "Nangangayayat ka na." napa-tawa naman ako dahil sa sinabi nya.

Ako? Namamayat? Impossible yata 'yun, araw araw kaya akong tinu-tukso dahil sa katawang mayroon ako.

Naalala ko pa iyong nag sabi sa'kin noong high school na kung papayat lang raw ako ay baka patulan nya na.

Hindi ko naman hinangad na patulan ng gagong kagaya nya e'.

"Huwag nyo ho akong intindihin, matulog na kayo." masyado ng matanda ang lola para hayaan ko pang mag hanap buhay para sa'ming dalawa. Kaya kung maaari ay pinag sasabay ko ang pag aaral at pag ta-trabaho.

Nakakapagod man madalas, pero iniisip ko na lang na makakaraos rin kami sa hirap. Na balang araw kaya ko ng ibigay sa lola ang buhay na nararapat para sa kanya.

Hindi sya naka ranas ng ginhawa sa buhay kailan man, si papa sana ang pag-asa nya kaso maagang nag asawa at maaga rin kinuha sa'min.

"Mag pahinga ka rin kahit minsan, Shevaya. Natatakot akong baka mapaano ka."

"La," hinawakan ko ang kamay nito, bakas na ang katandaan sa kanya. "Kaya ko pa po, matulog na kayo. Tatapusin ko lang to."

"Nag aalala lang naman ako, Apo. Ako dapat ang bumubuhay at nag papaaral sayo--"

"Lola." pigil ko sa kung ano mang sasabihin pa nito. "Wag na kayong malungkot. Ilang taon na lang makakapag tapos na ako, tapos maga-apply ako agad para makapag ipon at ako mismo ang magde desenyo ng sarili na'ting bahay. Alam nyo na, yung may pool. Tig isa tayong kwarto na malaki. May malaking kusina para komportable ka sa pag luto. May library at kung ano ano pa."

"Asus kung batang 'ri." pareho kaming natawa ni lola dahil sa sinabi ko.

Wala namang masama sa pagkakaroon ng mataas na pangarap.

"Sige na, hahayaan na kita. Matulog ka na agad."

Tumango lang rin ako bilang sagot at hinintay na syang maka labas sa kwarto kong kurtina lang ang pintuan.

Ng makaalis si lola ay agarang nawala ang ngiti sa mga labi ko saka napabuntong hininga.

Masyado ng maraming gastusin sa kinuha kong kurso. Gustuhin ko mang tumanggap ng mga part time sa pag paint ay kulang na kulang ako sa materials.

Kaya nagta tyaga na lang rin ako sa pagiging waitress.

Napahikab ako ng makaramdam ng antok. Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago pumunta sa kama.

Inabot ko ang wallet ko para tingnan kung may pera pa ba ako, naubos kasi sa pag bili ko ng materials kahapon. Tapos bukas pa ako sasahod.

Pagak akong natawa ng makita ang isang bente pesos.

Tangna.

Humiga ako sa matigas na kama, ipinatong ko rin ang kaliwang braso sa noo ko at nag isip ng kung anong pwedeng gawin.

Bukas pa ako sasahod, at kung mag lalakad naman ako papunta sa pinag ta-trabauhan ay paniguradong mali-late ako.

Tumagilid ako ng higa ng maramdaman ang pag daloy ng luha mula sa'king mga mata.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon