Chapter 9

66.8K 2.8K 2.3K
                                    

A/N: HAPPY BIRTHDAY, CianHarris itagay mo yan!!!

SHEVAYA

"Umasa ka ba?" sabay tawa. "Ako rin, umasa." tapos tawa na naman sya.

Wala na syang ibang ginawa kung hindi ang tumawa matapos kaming lampasan ni Miss Salvidar dahil may kasama pala ito.

Hindi naman ako umasa, nagulat lang talaga akong makita sya sa entrance kanina. Tapos nag lalakad pa palapit sa'min, at yung mga tingin nyang kulang na lang ay patayin kami.

"Ang daldal mo. Napapa-isip tuloy ako kung saan ka pinag lihi ng nanay mo." umirap ako rito bago inubos ang ramen na hindi ko maubos ubos.

"Sa patay," walang kagatol-gatol nyang sagot.

Muntik ko ng malunok ng hindi pinag pipira-piraso yung noodles.

Tang--ina.

"Umayos ka nga." singhal ko na ikinatawa na naman nya.

"Hey, nag sasabi ako ng totoo. Tho, hindi na lugi kasi maganda naman sya." inagaw ko rito ang hawak nyang chopsticks dahil kulang na lang ay baliin ni tanga.

"Ayusin mo nga yang mga lumalabas sa bibig mo."

Nag angat ako ng tingin, mula rito sa kina-uupuan ko ay malaya kong napag-mamasdan si Miss Salvidar na mukhang walang kagana ganang kumakain.

Panaka naka rin ang pag tango nito bilang sagot sa kausap; si Eris.

"Akala ko crush ka ni ma'am, pero mukhang ikaw pa yata ang nagkaka crush kay ma'am." gusto ko na syang batuhin, sa totoo lang.

Kanina pa sya crush ng crush e.

"Pwede bang manahimik ka?" ang bilis kong maging komportable sa isang ito.

Nakakahiya mang aminin pero kahit papaano ay nagugustuhan ko na ang presensya nya.

Nanlaki ang mga mata ko ng mag tama ang tingin naming dalawa, ramdam ko na naman ang pag lakas ng tibok ng puso ko. Mas lalo lang akong kinabahan ng mag angat ito ng isang kilay sabay pairap na ibinalik ang tingin sa pag kain.

Shit.

Ano yun?

Kung hindi ko lang talaga kilala na likas na masama ang ugali ni Miss Salvidar, baka inisip ko ng napipilitan syang paki-samahan iyong si Eris— na mukhang walang kaalam alam na masama na naman ang timpla ng kasama nya.

Pero imposible naman iyon.

Sa itsura ni Miss malamang, hindi mo basta bastang mauutusan yan.  Kaya impossible ring mukha syang napilitang samahan si Eris.

Matapos makapag bayad ni Rhoann ay umalis na rin kami agad. Tumingin pa muna ako sa banda kung saan kumakain sina Miss Salvidar; na nakatingin na rin pala sa'kin sabay irap.

Pssh.

Ang hilig hilig umirap, akala mo ikinaganda nya— na ikinaganda naman talaga nya.

Sumakay kami sa kotse ni Rhoann na hanggang ngayon ay hindi maalis alis ang ngiti sa labi nya. Inabot muna nito sa'kin ang mga binili, ingat na ingat pa akong hawakan dahil mahal pa yata ito sa buhay ko.

"Kunin mo na yung dalawa—ay, later na lang pala kasi may pasok pa tayo. What's our next sub ba?" huminga ako ng malalim.

Iniisip ko pa lang ang mga mapang husgang tingin na ibibigay sa'kin mamaya ng mga tiga L.I.S ay parang gusto ko na lang lumubog at magpalamon sa lupa.

Malamang, mai-issue na naman ako. Noong first year kasi ay na issue akong gold digger dahil sa pakikipag lapit kay Andrea, ginawa ko lang naman iyon dahil first day at mukhang loner rin sya gaya ko.

Endless Love [ProfxStudent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon